CHAPTER 17

960 43 0
                                    


Lover

"Why are you two whispering?" Tanong ni Chase.



"Ikaw bahala ate pero wag mo muna bastedin papabuhat muna ako" sambit ng kapatid ko sa 'kin. Lokong 'to ginamit pa 'ko.



"Lara pwede ka ba next week?" Biglang tanong ni Tita audrey.



"Hindi ko po alam e, ano pong meron?" Nagtatakang tanong ko.


"Susukatin na kasi ang mga bridesmaid sa martes"



"Ah...sige po titignan ko po" sabi ko. Oo nga pala ngayon ko nalang uli naalala yung sa kasal ng kuya ni Chase. Napatingin ako kay Dash ng bigla niya akong sikuhin, nakanguso siya sa direksyon nila mama.



"Ano?" Tanong ko.



"Sabihin mo na" bulong niya.



"Anong sasabihin ko?"



"Yung kay kuya Chase"



"Bakit ko naman sasabihin?! Ayoko nga" umiiling na sabi ko.



"Bahala ka ako nalang ang magsasabi" sambit niya "Ma-" hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil kaagad kong tinakpan ang bibig niya ngunit naagaw niya ang atensyon nina mama kaya nakatingin sila sa'min ngayon.



"Baket?" Nakakunot noong tanong ni mama. Tinignan ko ang kapatid ko saka siya sinamaan ng tingin.



"Sasabihin ko mamaya, wag kang epal" bulong ko bago tinanggal ang kamay kong nakatakip sa kanyang bibig.



"Mamamatay na po ako sa nilalaro ko" palusot niya pagkatapos ay umakto na para bang naglalaro. Napatingin naman ako kay mama na masama ang tingin sa 'kin.



"Luh? Wala naman akong ginagawa" Sambit ko dahilan para mapailing siya. Yung tinginan kasi ni mama parang may ginawa kang kasalanan e.



I looked at the moon, a full moon. Nandito ako sa bubungan, 'yong bintana kasi sa kwarto ko makakababa ka sa bubungan kapag lumabas ka don.



"What are you doing there?"



"Ay pusa!" Gulat akong napalingon sa kung saan upang hanapin kung saan ang nagsalita.



"Down here" sambit nito kaya naman ako napatingin sa ilalim.



"What are you doing there?" Kunot noong tanong ko kay Chase.



"I'm looking at the sky then I suddenly saw you, What are you doing there?" Tanong niya pabalik.



"Wala tinitignan ang buwan" sambit ko habang ang tingin ay nasa buwan.



"Hindi ka ba mahuhulog dyan?" tanong niya ulit.



"Ha? Hindi naman" sambit ko "teka lang tatalon ako, saluhin mo 'ko ha" ika ko bigla naman siyang nataranta.



"Wait what?!" Natatarantang sabi niya hindi alam kung ano ang gagawin.



"Kidding, wait for me" ika ko saka na pumasok sa bintana ng kwarto ko at bumaba papunta sa garden.



"Hi!" Nakangiting bati ko kay Chase ng makita siyang nakaupo. Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang buwan.




"Titig na titig ka naman dyan" natatawang sambit ko dahil kita ko sa gilid ng aking mata na nakatitig siya.




Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon