CHAPTER 09

1.1K 38 19
                                    


Breakfast

Everyone is silent, ingay lang ng mga tao sa paligid ang maririnig mo. Pero lahat ng tao sa table namin ay walang nagkikibuan. They are just looking at each other.



"Hi guys!" biglang sulpot ni Ate Althea sa harapan na'min. Siya yung kapatid ni Ara.



"Magkakakilala pala kayo?" Tanong niya habang pinapalibot ang tingin sa'min, napakagat ako sa pang-ibabang labi ko habang nakatingin sa mga kasama ko.Hindi sila sumagot at nagtinginan lang.



"We kinda know each other" sagot ko nalang.



"Thats great! Papakilala ko talaga sila sainyo para naman magkajowa na ang mga paborito kong kaibigan ng kapatid ko" nakangiting sabi niya habang nakatingin sa'min, awkward naman akong ngumiti. Jowa amp.



"So? Bet nyo ba ang isa't isa?" Tanong ulit ni Ate Althea, did I mention na matanong si Ate Althea?



"Ay ok, walang sagot? Ganon? Hay! Iiwanan ko na nga muna kayo, Enjoy the party guys" sambit ni Ate Althea bago kami iwan.



"Oo nga naman bat ba ang tatahimik nyo?" Tanong ng pamilyar na lalake. "Btw I'm Levi" pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay sa'kin.




"Lara" sabi ko saka nakipag shake hands.




"Ara" sambit ni Ara.




"Lul" dinig kong sambit ni Z ng sa kaniya na makikipagkamay si Levi, natawa lang naman ito saka na nakipagshake hands kina Lia at Xena. Nagpakilala na din ang mga kasama niya, sumunod sa kaniya si Chase pagkatapos ay si Cassius, si Klein, naman ang sumunod huli si Khione.



Magkakaibigan sila, magkakakilala na sila dahil may banda sila sa school, bagong myembro si Levi dahil nga transferee siya. Pano ko nalaman? Naikuwento nitong si Levi, makuwento siya kaya naman may mga nalaman din kami tungkol sa kanila.




Nauna ng nagpaalam sina Khione at Klein dahil may kailangan pa daw silang gawin, hindi ko alam pero mukhang magkakilala si Xena at Klein dahil inasar pa ni Klein si Xena bago ito tuluyang umalis. Ngunit kahit na umalis na ang dalawa ay ganon padin ang kondisyon na'min, tahimik padin at walang nagkikibuan.




Napatingin ako sa phone ko ng magvibrate ito, Its a message from our gc. Nag chat si Lia dito na sinasabing. Bat hindi pa umalis ang mga lalaking nasa harapan namin dahil inaantok na siya sa sobrang katahimikan.




"So? May girlfriend ba kayo?" tanong ni Autumn.



"Single" sambit ni Cassius, ganon din naman ang sinabi ni Chase.




"En- Aw!" biglang daing ni Levi "No comment" sambit nalang nito habang nakakunot parin ang kaniyang noo.



"Eh yung si Khione at Klein?" tanong ulit ni Autumn.




"Sa pagkaka alam ko single si Khione" sambit ni Levi, narinig kong bumulong si Autumn kaya naman ako napangisi.




"Si Klein single pero taken na yung puso kuno" natatawang sambit pa ni Levi.




"What do you mean by that?" tanong ko.




"Taken na siya pero siya lang nakakaalam" Tumatawang sabi niya kaya naman ako napatango. So taken siya ng hindi alam ng babae na sila? Ayos ah parang si Lia lang.




Nagkwentuhan pa sila at halos nagtatanong e si Autumn dahil siya ang pinaka social sa'min, pinaarte pa siya lang talaga ang pinaka makapal ang mukha sa'min.




Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon