CHAPTER 39

689 17 1
                                    


The past

"Ha? Hello? Anong help me? Nasaan ka?" Naguguluhang tanong ko.



"I don't know, I'm in a cliff" Nataranta ako nang marinig ang sinabi niyang nasa Cliff siya. Sumakay ako kaagad sa sasakyan ko at nagmaneho.



"Which cliff? Nasaan kaba?" Tanong ko habang inaatras ang sasakyan ko sa pagkapark.



"I don't know where I am, all I can see is the city view down there" Aniya pa na parang hingal na hingal. City view? Isa lang ang naiisip kong cliff. Yugen! Yugen cliff!



"I'm coming!" Sabi ko saka kaagad na nagmaneho. Habang nagmamaneho ako ay nagbabaka-sakali akong nandoon siya. Halos natatandaan ko pa ang daan kung paano papunta sa cliff na 'yon.



Naguguluhan akong bumaba sa sasakyan ko nang makarating sa cliff. Nandoon siya. Nakatingin siya sa ilalim. Minamasdan niya ang mga tao. Napalingon-lingon ako sa paligid. Wala na 'yung upuan. Amdaming nagbago. Wala ng naka harang sa mismong cliff. Dahon nalang ang natitira at wala ng bubong na masisilungan.




"Ok kalang ba?" Nag-aalalang tanong ko nang makaupo sa tabi niya.



"Yeah, I think I just had a panic attack" aniya saka ibinigay saakin ang bote ng soft drink na nabuksan na niya.



"Why? What happened? Why are you here?"



"I don't really know" sagot niya sabay baling sa'kin.



"I was driving. Nadaanan ko 'yung daan papunta rito. Mukhang pamilyar kaya lumiko ako. May naimagine ako sa lugar na 'to. Gabi non habang may babaeng nakatingin sa telescope. Naririnig ko 'yung boses niya. 'Yung pag-iyak niya habang nakayakap sa'kin" Pagpapaliwanag niya. Tumango ako saka uminom sa inabot niyang soft drink.



"Can you explain me the view you imagined?" Tanong ko. Gusto kong makasigurado.



"Here, there were barriers. There was a swing over there! A telescope here. Some little plants here..." Napatitig nalang ako sa kaniya habang naglalakad siya palibot ng cliff. Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Ako. Ako 'yung babaeng nakikita niya. Ako 'yung babaeng naririnig niya. Mga memoryang kasama ako ang nagbabalik sa mga ala-ala niya.



"H-Hey, Are you ok?" Nag-aalalang tanong niya habang nakahawak siya sa magkabilang balikat ko. Pinalibutan niya ako ng tingin upang tignan kung napaano ba ako.



"Bakit ako?"



"H-Huh?"



"Bakit ako 'yung tinawagan mo?"



"Because... Cause you're my D-Doctor" Naguguluhang sagot niya.



"Iyon lang ba? 'Yun nalang ba ang palagi mong idadahilan? 'Yun lang ba 'yung dahilan mo?" Patuloy pa din ang pagtulo ng mga luha ko habang nakatingin ng diretso sa kaniya.



"Yes, should I have another reason? Why are you even crying? Why are you asking me this?"



"Kasi natatakot ako" Pag-amin ko. Natatakot ako sa lahat. Natatakot akong maalala niya ako. Natatakot ako dahil baka tanungin niya ako. Natatakot ako dahil baka magalit siya. Hindi ko pa alam ang idadahilan ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang lahat.



"Natatakot saan?" Kunot noong tanong niya. Kita sa kaniyang mga mata ang pagtataka. Alam kong naguguluhan siya.



"Natatakot ako sayo! Sa maaaring mangyari! Sa lahat ng 'to kaya paki-usap... Paki-usap huwag muna" Umiiyak kong sabi saka nalang napayuko. Huwag munang bumalik ang mga ala-ala niya. Kailangan ko pa ng panahon. Kailangan ko pang ihanda ang sarili ko.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon