CHAPTER 16

1K 31 0
                                    


Babe

"Hoy huminga ka naman!" Tumatawang sambit ni Z. Nandito kami ngayon sa Mcdo, kumakain. Kanina kasi pagkatapos ng nangyari ay nag-aya silang kumain.



"Kaya mo pa ba baka mahimatay ka dyan ha" tumatawang sambit naman ni Autumn. Kanina pa kasi ako walang kibo dito, iniisip ang nangyari kanina.






Nang matapos kasing sabihin ni Chase 'yon ay umalis na siya sa stage. Nagbugbugan naman ang mga kasama ko sa tuwa na parang tanga, inalog-alog ba naman ako. Hindi naman naiwasan ang bulungan ng mga tao.




"So hindi kami nainform na nanliligaw pala sayo si Chase, kailan mo sya balak sagutin?" Tanong ni Ara bago sumubo ng fries.





"Ha? Malay ko, eh hindi ko nga alam na nanliligaw 'yon"




"Ano 'yon eksena lang nya ganon? Atsaka aminin mo man o hindi madaming nakakakita sainyo na magkasama" umiiling na sambit ni Autumn.




"Hoy, sigi nga paano mo masasabing nanliligaw sayo yung tao aber?"





"Kapag may pa bulaklak?" Hindi siguradong saad ni Z.




"Kapag sinabi niyang nanliligaw sya malamang" sagot ni Autumn.





"Diba! He didn't say that he'll court me pano ko malalaman?!" Kunot noong sambit ko.



"Oh chill kalang" natatawang sambit ni Z.




"Baka naman kasi sa action niya pinaparating, manhid ka lang?" sambit ni Xena bago sumubo ng fries.




"Ano na ba mga ginagawa nya?" Tanong pa niya.





"Nilulutuan ako ng breakfast, minsan hatid sundo"





"Yun naman pala e, para na siyang nanliligaw mga first stage palang" sambit naman ni Z.




"Ay ewan!" Sambit ko bago uminom. Natuloy pa ang kwentuhan namin ngunit ibang bagay naman.






"Update mo kami kapag kayo na" sambit ni Z bago sumakay sa jeep. Nag commute lang kasi sila.




"Ok, ingat kayo" sambit ko, bago naglakad papaalis. May mga tao pa naman dahil hindi pa naman ganon kalalim ang gabi.




"Huh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makita sa harapan ng building ng condo si Chase.



"I'm here to talk to you" sambit niya ng makalapit ako ng tuluyan sa kaniya.



"Tungkol ba sa kanina? Ok lang 'yon alam ko namang ginawa mo lang 'yon dahil gusto mong tantanan ka ng mga fans mo" sambit ko saka ngumiti, napakunot naman siya ng noo.





"What?"



"Huh?"




"Do you think sinabi ko ang mga 'yon para tantanan ako ng mga 'yon?" Tanong niya, tumango naman ako dahilan ng mas lalong pagkunot ng kanyang noo.



"Hindi b-" naputol ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.




"Hindi" seryosong saad nya. "What I've said are all true, walang palabas don na para lang tantanan na 'ko ng mga baliw na taong 'yon"




"So nanliligaw ka? E bakit hindi ko alam?" Tanong ko, seryoso siyang nakatingin sa 'kin.




"Hindi ko din alam sayo" sambit niya pagkatapos ay tumingin sa daan.




Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon