CHAPTER 43

756 23 0
                                    


Returning

Tahimik kaming nakaupo ngayon ni  Chase. Nararamdaman kong nakatitig siya sa'kin kaya naman hindi ko magawang iangat ang tingin ko sa kaniya. Kanina kasi ay sinabi kong magpapaliwanag ako sa kaniya kaya nandito kami ngayon ngunit hindi ko naman alam kung paano ko sisimulan.



Naguguluhan din kasi ako sa sinabi niyang I found my answers dahil baka makapag explain ako ng sobra sa mga bagay na hindi niya pa naaalala.




"10 years ago binenta ko 'tong bahay na 'to" Panimula ko. Ang pangit sa pakiramdam na ipinapaliwanag ko sa kaniya 'to dahil kasama ko siya noon no'ng binenta ko 'to.




"Binenta ko 'to dahil kinailangan naming pumunta sa Canada ng kapatid ko. Namatay si Mama dahil sa cancer pagkatapos ay nawala sa sarili niya si Papa dahil sa pagkawala ni Mama. Tumira kami ng kapatid ko sa Tita ko pansamantala dahil nabaon kami sa utang noon. Nang mabayaran namin ang utang namin ay kaagad inasikaso ni Tita Jada ang mga papeles namin ni Dash papuntang Canada. Balak kong bawiin ang bahay na 'to pagbalik ko kaya ngayon balak kong bilhin" Pagpapaliwanag ko. Hanggang don lang ang pinaliwanag ko dahil baka hanggang doon lang ang tinutukoy niya.




"Yun lang?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya.




"A-Ano pa bang gusto mong m-malaman?" Gulat ko ng tanong. Naalala na niya?



"Bakit gusto mong bawiin 'to? Hindi ba't binenta mo na nga?" Aniya kaya naman ako napakunot noo.



"Hindi ka ba nakakaintindi? Wala nga akong choice kaya binenta ko"



"Pero bakit hindi ikaw 'yung nakusap ko noong binenta 'to?"



"Noong binili mo 'to wala na ko sa Pinas non, 'yung babaeng nagbenta sayo, sakaniya ko binenta noon 'to" Sagot ko ulit. Napatango tango naman siya.



"Wala na ba? Iyon lang talaga ang ipapaliwanag mo?" Nakasalumbabang tanong niya.




"Ano pa bang gusto mong malaman? Ano pang naalala mo na gusto mong ipaliwanag ko?" Medyo naiinis na tanong ko dahil kanina pa siya nagpapaligoy-ligoy.




"Bakit kilala ako ng papa mo?" Tanong niya.



"Mali ata ang tanong dapat ang tanong, Bakit hindi mo maalala si papa?" Nakangising sabi ko. Akala ko kasi ay ako lang ang nakalimutan niya, mukhang buong bagay na tungkol sa'kin kasama sina Papa ay nakalimutan na niya.



"Isipin mo ng mabuti Attorney, sino ba si papa? Bakit ka niya kilala at bakit hindi mo siya maalala?" Pang-iinis ko sa kaniya dahil halatang kanina pa niya iniisip ito.



"Magpapahinga na ako" paalam ko saka pa nginitian ng nakakaloko.





Pagkagising ko ay naabutan ko sa kusina si Chase at si Papa, nagkakape. Inimbitahan naman nila ako kaya nakisalo na ako sa kanila. Nagtitimpla ako ng kape habang nakikinig sa usapan nila.



"Paano nyo po ako nakilala?" Biglang tanong ni Chase kaya naibuga ko ang kapeng nasa bibig ko.



"Ampaet!" Sabi ko saka dali-daling kumuha ng tissue at pinunasan ang bibig ko pati na rin ang mesa.



"Ok ka lang ba?" Natatawang tanong ni Papa kaya naman ako napatango.



"Madalas kayong dumalaw noon dito ng mama mo noong buhay pa ang asawa ko, malapit ka din sa bunso kong anak at madalas kana din dito maghapunan kaya kilala kita" pagpapaliwanag ni papa. Tahimik pa rin si Chase ng matapos siya, para bang may hinihintay pa siyang sasabihin ni Papa. Napainom nalang sa kape niya si Papa saka napailing ng magsalita ulit.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon