Perfect Five

4.7K 135 12
                                    

They came to the party just as it was about to start. Tama yata si Ara, parang nga siyang si Cinderella kasi pinagtitinginan siya ng mga tao.

For sure, it was not her face. Hindi siya kasing-ganda ni Julia Roberts o ni Shailene Woodley para lingunin nang dalawa o higit pang beses. Sigurado din siya na hindi ang damit niya because it was very simple. Siguro ang sapatos niya, hula niya. Ikaw ba naman ang magsuot ng ganoong kamahal na sapatos? May butterfly pa!

Para namang nababasa ni Ara ang iniisip niya, See? Tama ako? With me is the Cinderella of this party.

Eh kasi naman, ano bang kakaiba sa akin? Wala naman ah. Ni wala nga akong masyadong kolorete sa mukha, I'm wearing a very simple dress, ano kakaiba? Siguro yung sapatos ko kasi me mga paruparong gawa sa crystals.

Iumpog ko kaya ulo mo dito sa pader at nang matauhan ka? When I say you're beautiful, you're beautiful, alright? Ikaw na yata ang nag-iisang sekretarya dito na walang katiwa-tiwala sa amo niya, singhal nito sa kanya.

Kapag ang amo ko ay babaero at umaapaw ang bilib sa sarili, sa tingin mo dapat akong maniwala sa lahat ng sasabihin niya? Hindi ba dapat mag-ingat ako sa mga kagaya...

As usual, may nakahanda ka na namang pangontra. Bawasan ko na kaya suweldo mo?

Hindi ba dapat taasan mo pa para hindi ako magkamali sa pagbibigay ng alibi sa mga pinagtataguan mong babae? Sige ka baka madulas ako at masabi kong crush mo yung sekretarya ni Miss President.

Sabi ko nga, hindi talaga ako mananalo sa 'yo!

Sasagot pa sana ulit si Dennise pero narinig na nilang nagsalita ang emcee at tinawag silang nasa labas pa ng venue.

The party went well. Sa simula pa lang, maganda at masaya na ang atmosphere ng event. Halos lahat ng naroroon ay magkakakilala at para bang mga magkakaibigan. Palibhasa napasabak agad siya sa trabaho, ngayon lang nakilala ni Dennise ang mga taong madalas ay nakakausap lang niya sa telepono. Ara, her ever supportive boss, were always around para ipakilala siya kay ganito at kay ganyan. Hindi ito humiwalay sa kanya. Para pa ngang siya ang amo at ito ang sekretarya dahil puro ang pagpapakilala nito sa kanya sa lahat ng nakakasalamuha nila. Hindi na nga niya pinansin ang paghawak nito sa kamay niya, o sa braso niya o maski ang pagdikit ng palad nito sa may likod ng beywang niya. Okay lang naman sa kanya yun, hindi niya binibigyan ng malisya. Oo nga at umamin ito sa kanyang may crush ito sa kanya, but she didn't take it seriously, at kung seryoso man ito, alam nito kung hanggang saan lang ang kaya niyang ibigay. She's just so comfortable with Ara that beside being her boss, she considers her as one of her closest friends now.

The hosts handled their job perfectly. Most of the time they're cracking jokes na kahit mga miyembro ng board of directors ay hindi nakaligtas sa mga pakuwela ng mga ito na masaya namang sinakyan ang biro ng mga opisyal ng kompanya. Everybody was present at the occasion. When she asked Ara who among those sitting in front was their boss, sinabi nitong wala ito sa linya at bihira lang um-attend ng gathering. Dennise assumed then, that their big boss is at her early or late 50's and starting to feel the aches of getting old.

Plaque of awards and with rewards were given for achievers at hindi niya mabilang kung ilang beses tinawag ang amo niya para pangaralan. Siya naman ay todo suporta dito sa pagpalakpak kapag tinatawag ang pangalan nito, minsan pa nga napapatayo siya sa sobrang proud para kay Ara. It's obvious that her boss was really one of the topnotchers for achieving the success of Alyssa Valdez Group of Companies.

The party continued with so much fun until one of the emcees made some announcement.

....And now, before we start attacking the buffet and enjoy the rest of the night, as I noticed all your eyes are focused on the food already, he he he, we would like to call on the attention of the person behind the success of Alyssa Valdez Group of Companies or AVGC. Ladies and gentlemen, may we call on Ms. Alyssa Valdez!

PerfectWhere stories live. Discover now