Perfect Eleven

5K 175 6
                                    

Hop in! Alyssa opened the passenger door of her Mercedes S63 AMG Coupe.

Saan ba tayo pupunta? tanong ni Dennise sa kanya. Pang-ilang beses na siyang tinatanong ng babae pero ngiti lang palagi ang sagot niya.

Ang totoo, hindi niya alam. Basta, pagkatapos nilang mag-usap ni Vic kanina, dali-dali siyang bumalik ng opisina. Nang makita niyang oras na pala tanghalian, inuna niyang puntahan ang canteen, nagbakasakaling makita niya ito doon. At tama siya, nandun nga ito katabi ni Fifi. At kahit nakatalikod ito sa kanya, hindi siya nagkamaling hulaan na iyon nga ang babae.

Wala sa sariling lumapit siya dito at ipinagpaalam ito sa mga kaibigan. Basta na lang niya hinila ang kamay nito at iginiya papalabas ng canteen.

She's aware that they were getting stares, high brows and questioning looks from all the employees of the building. Maano kasi, ngayon lang nila nakitaan siya na may kahawak-kamay na babae sa building na iyon. Everybody knows her rule when it comes to employer/employee relationship, pero isang tingin pa lang sa magkadaop nilang palad, they know for sure she just broke her golden rule.

And does she care?

No, none at all.

In fact, she enjoyed holding hands with the woman beside her kaya naman hindi niya maiwasang ngumiti dito at kindatan.

Never she felt holding hands with someone would feel as giddy as this. She felt her feet were not touching the ground at all. Para siyang batang hinalikan sa pisngi ng ultimate crush niya.

Ayaw na nga niya sanang bitawan ang kamay ni Dennise but she had to. And now that she's asked kung saan sila pupunta, wala siyang maisip na magandang dahilan para pumayag ito.

Really, Alyssa, hindi na rin gumagana utak mo ngayon?

S..omewhere. Now, go inside, smile still written on her face. Yun lang ang naisip niyang isagot.

Somewhere??? Really???

Ayoko! matigas naman ang tanggi nito.

Nawalang bigla ang magandang disposisyon niyang dala-dala kanina pa.

Ms. Lazaro, my patience is wearing thin. Kung ayaw mong lalo tayong pagpiyestahan ng mga tao dito, sasakay ka sa loob ng kotse at aalis tayo.

Eh saan nga kasi tayo pupunta? It's my lunch break and...

Meeting. Inside, now! Her patience finally ran off.

Matigas din pala ang ulo ng babaeng ito!

Nagdadabog na sinunod siya ni Dennise. Para itong bata na pinilit pinapapasok sa school kahit ayaw.

Yet she found it cute. Her black-colored shoulder length hair na may curls sa dulo, her doe-shaped blue eyes na medyo naniningkit na dahil sa inis sa kanya. And her pouting lips, oh Lord! Gustung-gusto na niyang halikan ang mapupulang labi nito na nakasimangot sa kanya.

Ms. Valdez, akala ko ba nagmamadali ka? Bakit natulala ka na dyan? pukaw nito sa kanya.

I'm actually staring at you Ms. Lazaro and honestly, I could stare at you the whole day and hindi ako magsasawa, malambing na sagot naman niya.

Valdez, tirik ang araw! Ano ka, intsik???

Hindi naman nakahuma si Dennise sa sinabi nya at sa halip ay tumangin na lang ito sa bandang kanan nito para kunin ang seatbelt. Siya naman ay automatic na kinuha din yon para ilagay dito, not leaving her stare away from the lady. Sa ikinilos nilang dalawa, nagsalikop ang kamay nila.

PerfectTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang