Perfect Thirty-One

2.9K 92 9
                                    

Hindi pa rin ako sigurado kung tama itong gagawin ko.

Alyssa turned her head from looking at the sea to the woman standing beside her.

Naiintindihan ko.

Pero kung si tita Arlene mismo ang nagsabi na puwede ko naman siyang iwan sa'yo, sino ako para hindi sundin gusto niya. But, again, I just want to make sure. Hindi mo naman siguro ikakasama ng loob kung nagiging makulit ako, ano?

As I said, naiintindihan kita Mika. Ikaw ang nasa tabi niya nung mga panahong pareho kaming nagdududa sa isa't isa. Ikaw ang nasa tabi niya sa halip na ako. Ikaw ang naniwala at nanatiling naniniwala sa lahat ng totoo sa kanya sa halip na ako. So, yeah, you have all the right to doubt me, to doubt my real intentions for her. But I'm here. I'm back. For good. At kahit abutin pa ako ng habang-buhay para patunayan sa kanya, sa inyo, na totoo ang pagmamahal ko kay Dennise, gagawin ko.

Hindi agad umimik sa kanya si Mika. Pinakatitigan muna siya nito na sinuklian naman niya ng walang-kurap ding pagtitig.

I believe you now, sabi nito pagkatapos. I know I am not important to you, pero maipapangako mo ba sa akin na tutupad ka sa mga sinabi mo kanina?

Mahirap bumitaw ng pangako Mika, so I won't say yes. I'll just show her, you, her family and everyone else that I'm true to my word.

Puwede na yang sagot sa ngayon.

Salamat.

So, paano, bahala ka na sa kanya, pagpapaalam nito. The last time I checked, mahimbing pa rin ang tulog niya. Walang habas ba naman ng pag-iyak, eh tatlong araw na!

Sorry about that. Pero sa totoo lang, hindi ko alam ano dahilan niya, pag-amin niya sa babae. Hindi ba niya naikuwento sa'yo? I promised her I'd give ourselves time to assess our feelings for each other. I tried my very best para hindi siya kontakin sa kahit anong paraan para klaro siyang makapag-isip. I thought I was doing the right thing but why it reached to this point? I don't know. I really don't know.

Are you sure na inosente ka sa lahat ng ito Alyssa?

Alyssa's emotion suddenly flared up from Mika's tone of accusation.

And what do you mean by that, Reyes?! hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses niya.

She's aware na hindi niya puwedeng "kalabanin" si Mika dahil baka hindi siya pagbigyan nitong masolo si Dennise. She doesn't owe the woman an explanation actually pero parang iyon ang kailangan niyang gawin sa lahat ng taong nakapaligid kay Dennise. Sa ngayon. Pero dahil wala pa rin siyang ideya bakit pumunta si Dennise sa Dubai pero hindi nakipagkita sa kanya, those baseless accusations everybody was hurling at her accelerated her frustrations more and more.

Hey, don't use that tone on me Valdez! mataas din ang boses nito pero hindi naman galit sa kanya.

Anong alam mo?! mas lalong hindi niya napigilan ang sarling hawakan ito sa kaliwang braso.

Nasasaktan ako Valdez! Baka gusto mong lalong hindi ko siya iwan sa'yo?! warning naman nito.

That made Alyssa realized her mistake kaya naman bigla niyang binitawan ang babae.

I'm sorry! But please Mika, tell me what you know! Hindi ko talaga...

She said something about your girlfriend.

PerfectWhere stories live. Discover now