Perfect Fifteen

4.3K 141 5
                                    

Babe?

Hindi lumingon si Dennise. Nanatili lang itong nakatingin sa labas ng bintana.

After almost an hour of arguing, kissing and arguing back, natuloy din ang lakad nila. Pero hindi na ang orihinal na plano niya ang gagawin nila. May ibang lugar na naisip puntahan si Alyssa kasama si Dennise. It will be a daring move on her part but this is the only way she knows how, so she can prove Dennise that she's serious about their relationship.

Relationship. Wow, she's improving! She's now in a relationship with someone. Dati-rati, halos mandiri siya kapag nararamdaman niyang gusto ng mga nagiging bed partners niya na palalimin pa ang relasyon nila bukod sa kama.

But with Dennise, siya pa ang mas eager na palalimin pa kung ano ang meron sila.

Nabigla man siya nang bigla niyang maibulalas ang salitang "I love you" dito kanina, hindi na siya nagtaka na lumabas iyon sa bibig niya. On that instant, she realized that's the main reason why when she weighed things out between her hate of Jose Marquez and her growing affection with Dennise, mas matimbang at mas binigyan niya ng halaga ang sa kanila ni Dennise.

For the first time since she started hating the guy, merong isang bagay o merong isang taong mas binigyan niya ng importansya kesa sa galit niya sa matanda. Sa tuwina, nanaig ang galit niya at paghihiganti kay Marquez. Maliban sa lolo at lola niya, at kay Vic at sa pamilya nito, wala siyang pakialam sa damdamin ng iba kung makakasakit man siya, basta tungkol kay Marquez ang pag-uusapan.

Pero iba kay Dennise.

Aminado naman siya, na noong una, mas nanaig ang galit niya pero hindi nagtagal, binigyan niya ng malaking konsiderasyon ang sa kanila ni Dennise.

Hanggang kailan ba siya kakainin ng galit niya? Napapagod na rin siya, sa totoo lang. Pero sa tuwing naiisip niyang kalimutan ang kasalanan sa kanya ni Marquez, bumabalik ang pangakong binitawan niya sa isang tao. Ang maghiganti dito.

Pero sa ngayon, mas matimbang ang pagmamahal niya kay Dennise.

Si Dennise, si Dennise, si Dennise. Buong atensyon niya, pati buong pagkatao niya, nakatutok ngayon kay Dennise. She tried to disregard her the past ten days, but those were the days na hind niya uulitin pa. Hindi niya nagustuhan ang sarili sa ginawa niya.

Sigurado ka bang hindi pa rin yan parte ng paghihiganti mo sa kanya, Aly? naalalaa niyang tanong ni Vic sa kanya.

No Vic. For the first time, hindi doon naka-focus ang attention ko kundi kung paano kami ni Dennise pagkatapos ng nangyari.

You're really sure about that?

Yes, diretsong nakatingin ang mata niya sa kaibigan.

Her friend knew her very well to believe that she's 100% sure this time.

Babe? ulit niyang tawag ng pansin kay Dennise. Dennise, is there something wrong? Ayaw mo bang umalis ng bahay? I could turn this car back if....

No, no. Just drive kung saan mo man gusto tayong pumunta, sagot nitong hindi pa rin nakatingin sa kanya.

Aren't you gonna ask where we're going?

Bakit, kapag tinanong ba kita, sasabihin mo kung saan tayo pupunta?

Something is really wrong, sa loob-loob niya.

When she saw a gas station, she decided to turn right at ipinarada ang sasakyan niya sa parking.

Wala pa ring kibo ang katabi niya.

PerfectTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang