Perfect Three

5.7K 135 5
                                    

Three Months After...

Den, inside please, Ara asked Den from the intercom.

Okay boss! her secretary alertedly replied.

Once Den is inside, tinaasan agad ito ng kilay ni Ara.

Have I done something wrong? yun naman agad ang bungad ni Den sa kanya nang makaupo sa visitor's chair, pen and paper ready for dictation.

What did I say about calling me boss, Den?

Sorry naman, boss, este, Ara. Eh hindi naman talaga kasi ako sanay na hindi tinatawag na boss ang mga nagiging boss ko!

I told you huwag mo akong tatawaging boss! Eh bakit yung janitor ng building, yung guard nitong building, hindi nila ako tinatawag na "boss". They called me "otoy" Den, "otoy"!

Oo na, oo na! Aga-aga, napaka-sensitive! Binigyan naman kita ng kape pagdating mo kanina ah! Wala ka namang nari-receive na complain so far, bakit naka-up na agad yang antenna mo? Meron ka ano?

Lazaro!!!

Oo na nga, Ara Galang, okay? Sorry na for calling you "boss". Why do you need me here ba? mataray na tanong nito.

Lalong tumaas ang kilay niya sa tanong nito. Ah, pasensya naman kung naabala kita sa pag-i-FB mo sa labas, pang-asar ni Ara.

Hindi noh! FB ka dyan! Nagya-YT ako! Nanonood ako ng last night episode of Ellen. Hindi ako nakanood kagabi dahil pinapag-overtime mo ako!

Pfft! Bakit ba gustong-gusto mo yon eh di hamak na mas guwapo ako dun?

Guwapo ka nga pero may Portia De Rossi ka ba? Ang kaguwapuhan naa-appreciate lang kapag may partner o girlfriend kayong kasing ganda at sopistikada ni Portia. Ako kaya, kelan ko mahahanap ang Ellen ng buhay ko?

Imposible! Sa ugali mong yan na mas maangas pa sa amo niya? Totoong lalake na ako wala ka pa ring syota!

Oo na, pikon! Ano na nga? Tinatapos ko pa yung draft ng contract provisions mong ipinapaayos mo sa akin kagabi pa.

Nagrereklamo ka na?

Hindi! Tuwang-tuwa nga ako, oh! Sabay labas nito ng mapuputi at pantay-pantay na ngipin.

Dumukwang si Ara at pinisil ang baba niya. Ahng cute mo! Saan ka ba pinaglihi ng nanay mo?

Sa Close-Up! Ano na?? Bakit nga??

Hay naku! Nagsisisi na yata ako kung bakit kinuha pa kita! Kung alam ko lang....

"...I have a crack of knowing a good person by just one look..." your word specifically, not mine! singit agad naman nito.

At aaminin kong nagkamali ako dahil nabulag ako sa ganda mo. Oh Lord! Eto na po ba parusa Ninyo sa pagiging babaera ko??

Arte mo, boss!

La...

Ang arte mo Ara! O dali na, bakit mo nga ako pinapunta dito?

Ara turned serious nang mapansin niyang seryoso na ang mukha ng sekretarya niya. Mukha ngang busy pa ito sa ipinapagawa niya kagabi pa.

There's a groundbreaking of a new hotel in Hongkong and at the same time it will be the corporate's annual party in the evening in another hotel built by our company. It would be this Friday. We have to leave though, on Thursday afternoon coz' the groundbreaking will be at 11am. It would be too hazardous if we leave here in Manila early in the morning. You'll be free for the remaining of the morning until early evening and then I'll fetch you from the hotel at around seven pm for the party. How does it sounds to you?

PerfectWhere stories live. Discover now