Perfect Eighteen

4.4K 158 15
                                    

Aly....brod.....c'mon, open the door....

Hindi ba puwedeng buksan na lang natin ang pinto? Ara, she's not answering! mahina at may takot ang boses ni Dennise na pakiusap kay Ara.

Nandito sila ngayon sa bahay ni Alyssa, kumakatok sa kuwarto nito. Kanina pa nila ginagawa iyon pero wala silang nakukuhang sagot mula kay Alyssa.

Tinawagan si Ara ng lolo ni Alyssa kaninang madaling-araw at sinabing nagwawala daw ang apo sa loob ng kuwarto nito. Hindi naman daw ito tumutugon kapag tinatawag. Sa sobrang panic ng matanda, hindi na naisip na puwersahing buksan ang pinto. Tinawagan na lang agad nito si Ara at tinawagan naman siya ni Ara pagkatapos.

Then, why don't you try calling her, Den? Maybe she'll respond kapag narinig niya ang boses mo.

Galit siya sa akin Ara! Siguradong lalong magkukulong siya sa kuwarto niya kapag nalaman niyang nandito ako!

Eh ano ba kasi ang pinag-awayan ninyo?

Ka....kami na ni Alyssa, nahihiya niyang amin dito.

Nakangising tinitigan siya ng kanyang amo.

Namumuroblema na tayo dito nakangisi ka pa?! sita niya dito pagkatapos.

Tayo? Baka ikaw lang Den!

Ara naman! Tulungan mo na lang ako please?

Is that is her way of celebrating? Ang mag-inom at magkulong sa kuwarto? O dahil hindi siya naka-score as a reward kaya nagmumukmok?

Malakas na hampas sa balikat ang isinagot niya kay Ara.

Aray, Den! Ang sakit ha!

Utak mo Victonara ha?! Ang aga-aga!

Eh ngayong lang kasi nangyari sa kanya ito eh!

What do you mean?

Ngayon lang siya nagwala nang ganito at nagpakalunod sa alak. Lolo Rogelio said Alyssa took almost all the bottles from the minibar at saka nagkulong sa kuwarto. Dumating daw kasi ito ng madaling-araw na lasing na lasing. Hindi naman daw sila pinansin nung nag-try silang kausapin si Aly. That's another first kaya nagtatampo na si lolo sa kanya.

It was all my fault. I really have to do something kaya please Ara, pilitin na lang nating buksan ang pinto!

Ahm, ma'am Ara, eto na po ang susi, parang sagot sa pakiusap niyang narinig ang boses ng isa sa mga katulong.

Salamat ate! kuha ni Ara sa iniabot na susi at pagkatapos ay inabot sa kanya.

Do the honor, milady! nakangisi pa rin nitong sabi sa kanya.

Iling ang ulong binuksan niya ang pinto ng kuwarto ni Alyssa.

Aly? tawag niya sa babae.

Walang nakahiga sa kama. Nagkalat din ang mga basag na gamit sa sahig. Bukas at nagkalat ang damit sa kabinet. Bukas ang ilaw ng banyo at lumalagaslas ang tubig mula sa gripo.

Dennise immediately ran to the bathroom pero wala siyang nakitang bulto ng babae.

Aly...

She's here!

Paglingon niya kay Ara, nakatayo ito at nakahalukipkip ang mag braso habang nakatungo sa may sahig sa gilid ng kama. Hindi pa rin umaalis sa pagkakangisi ang mukha nito.

When she went near her and looked down, Alyssa was there, sleeping like a baby in a womb.

Babe!

PerfectWhere stories live. Discover now