Perfect Fourteen

4.6K 163 31
                                    

Hello?

Now I know how beautiful your voice sounds early in the morning!

Huh?

Good morning beautiful! Wake up and be ready in fifteen, okay? patuloy pa rin ng nasa kabilang linya.

Huh? pa rin ang naisagot niya.

I'll pick you up exactly in fifteen minutes! Bye!

At pinatay na nito ang tawag.

Naguguluhang tiningnan niya ang telepono at sinino ang tumawag.

Alyssa?!?

And prior to that, she had 15 missed calls from her too?!?!

Nang tiningnan niya kung anong oras na, lalo siyang nagtaka.

4:26 in the morning???

Tuluyan nang nagising ang diwa niya. Bumangon siya pero nanatiling nakaupo sa kama.

Ang aga-aga, pero nalilito siya.

Bakit siya tinawagan ni Alyssa ng ganito kaaga?

And pickup? In fifteen minutes? Bakit, matutuloy na ba ang pag-alis nila papuntang ibang bansa?

Thinking it was the reason, dali-dali siyang bumangon only to stop on her tracks afterwards at muling kumunot ang noo.

Pero di ba kinansel nito ang byahe nila pansamantala? At saka, Sabado ngayon, walang pasok, so bakit siya pinag-aayos ng amo niya?

Amo niya? Amo pa ba niyang ituturing ang babae pagkatapos nang mangyari sa opisina noong Miyerkules? Amo pa rin ba dapat ang turing niya dito pagkatapos ng mga nangyari pagkatapos noon?

.

.

.

.

.

You're not going anywhere except in my arms, love! Except in my arms!

At muli nitong pinagtagpo ang labi nila. Matagal, mariin.

Nang maghiwalay sila, ini-expect niya na magsisimula itong magsalita tungkol kay Jose Marquez. Sa halip, iba ang lumabas sa bibig nito.

Why don't you continue your work outside? May aasikasuhin lang ako.

Ly....

Sige na, importante lang ito, malumanay pero may diing pakiusap nito sa kanya.

Wala na siyang nagawa pa kundi sundin ang gusto nito.

Pagbalik niya sa mesa niya, inisa-isa niyang ibinalik ang gamit niya at saka ibinalik ang kahon sa store room. Binalikan na rin niya ang mga emails na na hindi pa niya nababasa, baka sakaling may importanteng email na dapat sagutin. Biglang may nag-pop out na incoming email sa gilid ng screen nya at kumunot ang noo niya sa nabasa.

"...Due to an emergency, our scheduled visit to your office will be cancelled until further notice....My apology for the inconvenience caused..."

Alyssa cancelled their trip!

Pero bakit?

Dali-dali siyang tumayo para puntahan ito sa loob pero nakita niyang nakapula ang maliit na ilaw sa may pintuan, tanda na yaw nitong magpaistorbo.

She knew she was the reason behind the cancelled trip. She and her relationship with Jose Marquez.

Pero bakit?

PerfectWhere stories live. Discover now