Perfect Thirty-Five

3.7K 76 11
                                    

Hon, you're done?

Five minutes honey!

Alyssa tried to open the door but it was locked.

Hon? The door's locked.

I know!

Tumaas ang kilay ni Alyssa sa narinig.

And why is that? Den? Is everything okay? Open this door!

Sandali lang kasi!

Open this door or else...!

Biglang bumukas ang pinto at bumungad kay Alyssa ang seryosong mukha ni Dennise.

Or else what? taas-kilay na tanong ng asawa niya sa kanya.

Yep, they are married.

Exactly three years ago.

And today's their anniversary.

They were packing to leave pabalik ng Pilipinas. Pero bago yun, maglilibot muna sila sa Europe. Regalo ng hari ang dalawang buwan nilang paglilibot, kasama na ang pagtanggap sa imibitasyong pagbisita nila kay Helena.

Three weeks ago, nagkaroon na ng final turnover ng project na pinamunuan ni Alyssa. Maagap na natapos ang project dahil na rin sa efficiency ng team niya at sa sobrang inspirasyong kasama niya sa buong panahong iyon.

Tulad ng napagkasunduan nila ni Dennise, tumira sila sa Dubai pagkatapos ng kasal habang tinatapos niya ang project. Hindi natuloy ang paghahanap ni Helena ng tutuluyan nila dahil hindi pumayag ang hari na hindi sila tumira sa villa na regalo sa kanilang kasal.

Three years went by smoothly. Walang naging malaking problema sa trabaho ni Alyssa. Kung tutuusin, mas maraming maliliit na problema ang na-encounter niya sa naging asawa.

Her wife was such a possessive and jealous partner. Pero hindi nakabawas ni katiting man lang sa pagmamahal niya dito. Araw-araw din naman, minu-minuto, ipinaparamdam nito sa kanya kung gaano siya nito kamahal.

One year into their marriage, they decided to have a baby. Dubai, being Dubai, has the facility para sa plano nila. Lamang, hindi nila itinuloy agad dahil sa hindi kasiguraduhang pagtatapos ng proyekto at siyempre, gusto nila parehong sa Pilipinas ipanganak at lumaki ang magiging baby nila ni Dennise. Ayaw din ni Alyssa na ma-stress si Dennise kung stressed siya. At kung sakaling magbuntis ang asawa, gusto niyang nakatutok ang atensyon niya dito 100%.

At ngayon nga, nag-i-empake na sila para sa flight nila mamayang gabi. After their European trip, babalik na sila sa Pilipinas permanently. Bibisita na lang siya dito sa Dubai as part of her consultancy contract with the government.

Or else, hindi tayo matutuloy sa pag-alis, kunwaring seryoso din niyang sagot dito.

At bakit, aber?

Coz' I'm gonna make love to you non-stop! Day and night, until both of us beg to stop! Alyssa slowly walked over to Dennise and wrapped her left arm around her wife's waist, while the right one was put on her nape.

Hmmnnn, I think I like the trip better! walang pag-aalinlangang kontra-sagot sa kanya ni Dennise, sabay alis mula sa pagkakayakap sa kanya.

What?!

Tara na, tapusin na natin ang pag-iimpake, utos nito sa kanya habang naglalakad papunta sa kama kung saan nakatambak ang mga gamit na dadalhin nila sa trip.

Oh no, you won't! At sinunggaban niya ang asawa mula sa likod.

Alyssa, ano ba?! Bitawan mo nga ako! At puwede ba maligo ka?! Ang baho mo!

PerfectOnde histórias criam vida. Descubra agora