Perfect Twelve

4.6K 146 3
                                    

...The Principal will provide all necessary permits from the government offices in Abu Dhabi... blah blah blah...

Have I made the right decision? Dennise asked herself as she intently looked at Alyssa who was reading the draft of the joint venture contract she prepared earlier.

Pinagsisisihan mo na ba? sumbat ng konsensya niya.

As much as I wanted to say yes, hindi puwede! Being here is already a traitorous act, what more kapag um-oo ako sa kanya? I can't!

Then leave this office! Kung palagi mong iisipin ang naging usapan ninyo ng kamag-anak mong sa Jose Marquez, walang mangyayari sa'yo! You want to act clean on her? Then tell her the truth!

How?! Ni hindi nga niya ako kinakausap kung hindi rin lang related sa trabaho!

Sinong me kasalanan, aber? Ni hindi mo nga man lang na-appreciate na dinala ka niya sa isang mamahaling restaurant!

Para ano? Para magtapat? Eh sino ba me sabi sa kanyang magtapat siya?

Ang kapal mo teh! Ikaw na nga ang nililigawan ng isang Alyssa Valdez, nag-iinarte ka pa?

Ligaw?!? Ligaw ang tawag mo dun?!?! Nang-aangkin yun na akala mo pag-aari niya ako! Hindi ako isang hayop o bagay na aariin! Tao ako! At kahit presidente pa siya ng bansa o si prince Harry ng England, hindi ko siya papatulan dahil lang sa sinabi niyang 'I will make you mine!' Ang kapal ng mukha nya ha!

What did you just say Ms.Lazaro??

Naalimpungatan si Dennise nang marinig ang seryosong boses ng amo niya.

Ma...ma'am?

Sino ang sinasabihan mong makapal ang mukha?

I'm s..sorry po, ma'am, may iniisip lang ako.

.

.

.

.

.

Ako ba ang iniisip niyang makapal ang mukha? bulong ni Alyssa habang tinititigan si Dennise.

Malamang! Eh kasi naman ang lakas ng loob mong sabihin sa kanyang 'I will make you mine'. Ano namang akala mo sa kanya, gamit na gusto mong angkinin? sita ng konsensya niya.

Of course not! I just wanted to instill in her mind that she's mine!

Saan ka ba lumaki at hindi mo alam ang salitang ligaw?

Ligaw? Bakit ako manliligaw?

Malamang dahil gusto mo siya!

Hindi ba puwedeng sabihin na lang and that's it?

And haven't you tried that? Where did it lead you?

Mukhang mali nga ang ginawa niya dahil tumanggi sa kanya ang dalaga.


During Lunch Yesterday...

You had me at first sight, Dennise. And now that I know na wala naman kayong relasyon ni Vic, I intend to make you mine. I will make you mine.

Kumunot ang noo ng kaharap niya dahil sa sinabi niya.

With all due respect Ms. Valdez, hindi ako isang gamit na puwede mong angkinin kapag ginusto mo! biglang bulalas nito.

Excuse me?

Oo at empleyado nyo lang ako, pero wala kayong karapatang angkinin ang pagkatao ko! And no, walang puwedeng umangkin sa sarili ko kundi ako. Bigla itong tumayo at marahas na dinampot ang purse na nasa mesa. If you'll excuse me, babalik na ako sa opisina. Tapos na po ang lunch break ko.

PerfectWhere stories live. Discover now