Perfect Twenty-Four

4.1K 121 22
                                    

Good morning mommy Denden!

Automatic na pumaskil sa labi ni Dennise ang isang ngiti nang marinig niya ang boses na iyon. Paglingon niya, sabay yakap sa kanya ng mumunting mga braso sa leeg niya.

Maimai, Mikmik, hello you two! bati niya sa dalawang anghel na nakayakap pa rin sa kanya. How are you my angels?

Okay naman po mommy! Ikaw po? - Maimai

Masakit pa po head mo mommy? - Mikmik

Okay na po ako, my angels! Now give me my kisses! Yung malutong ha? sabay abot niya ng mukha niya sa kambal. Nagpaligsahan naman ang dalawang bata sa pagbigay ng malutong na halik sa kanya.

What about me, puwede din ba akong magbigay ng good morning kiss? someone said from the background.

Dennise turned her attention and just gave the owner of that voice a raised eyebrow, pero nakangiti naman siya dito. Kindat naman ang isinukli nito sa kanya na lalong ikinataas ng kilay niya.

Too early for that, don't you think, Teacher Reyes? another voice butted in.

Good morning, sir Ravena, tumayo si Dennise at binati ang principal ng eskuwelahan.

Good morning sir! bati din ni Mika Reyes dito.

Good morning you two. Don't forget, meeting after class, at nilampasan na sila nito.

Menopause na ba si Principal Ravena? bulong na biro ni Mika nang makalayo na sa kanila ang principal.

Ssshhh! Ikaw talaga, puro ka kalokohan! sita niya sa kaibigan. Ibinaling niya ulit ang tingin sa kambal na noon ay hawak ang magkabilang kamay niya. Angels, why don't you go inside the room and prepare your coloring books? We'll start our activities once we hear the bell rings, okay?

Okay po, mommy Denden! sabay na sagot ng kambal. Bye mommy! We love you! paalam naman ng mga ito sa nanay nilang si Mika.

Bye babies! Behave ha para hindi na ulit sumakit ulo ni mommy Denden! bilin ni Mika sa mga anak.

Yes mommy!

Oh, give mommy a kiss! Yung kasing lutong ng kiss nyo kay mommy Denden.

Ginaya ng dalawang bata ang ginawa ng mga ito sa kanya kay Mika at pagkatapos ay nagsitakbo na papunta sa loob ng classroom.

Good morning again Teacher Lazaro! bati ulit sa kanya ni Mika nang makapasok sa classroom ang mga anak niya.

Good morning din Teacher Reyes! masiglang bati din niya dito.

So, musta headache mo? Okay ka na ba talaga? Sana nag-absent ka na lang muna.

Hep, okay na po ako ma'am!

Sigurado ka?

Oo naman. Pasensya na nga pala ha if hindi na ako nakapag-stay after dinner. Tumindi kasi migraine ko. I hope hindi naman na-disappoint ang mga bata, hinging paumanhin niya.

Hindi naman. Masaya ka naman nilang binati di ba? At saka I explained to them about your sickness. They're bright enough naman to understand what migraine is all about.

PerfectWhere stories live. Discover now