Perfect Thirty-Two

3.7K 101 6
                                    

D...den?

Dennise suppressed her crying when she heard that voice outside.

It was Alyssa, indeed. At wala na siyang kawala pa sa babae.

Den, si Alyssa 'to. We need to talk. Please, open this door. Ba...be, mag-usap tayo. Please???

Oh, how she misses her voice! At ngayon din, gusto na niyang buksan ang pinto at sugudin ito ng yakap. Pero may girlfriend na ito! Ano pa ang ginagawa ng babae sa labas ng pintuan niya?? Di ba dapat nasa piling ito ng girlfriend nito??

I know you're already awake. I saw you closed the door earlier. Kaya sige na, please, buksan mo na ang pinto!

Ay...yoko! mahinang sagot niya.

Akala niya hindi narinig ni Alyssa ang sagot niya.

You have to! Den, please! We can't go on like this forever! Helena, she's nothing! There's nothing going on between us but pure business relationship! Wala kang dapat ipagsel....

Hindi ako nagseselos! biglang sigaw niya. Umalis ka na Alyssa! Wala ka dapat dito, di ba?! Dap...dapat, dapat andun ka sa kanya! D...dun ka na sa girlfriend mo! pautal-utal pa niyang dugtong, hindi inintindi ang mga sinabi ni Alyssa sa kabilang pinto.

Walang boses ni Alyssa na sumagot agad sa kanya para tumanggi sa akusasyon niya. O sumang-ayon man lang. At aaminin niyang lalong sumama ang loob niya dito.

Tama pala talaga siya. Hindi na siya ang mahal ni Alyssa.

Sa naisip, lalo siyang humagulhol ng pag-iyak.

Pero narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Nasa labas pa si Alyssa!

Hindi mo na ba ako mahal Den at kaya mo na akong ipagtabuyan sa iba? dinig niya sa boses nito ang hinanakit sa kanya. Kasi ako, mahal kita Dennise Lazaro! Mahal na mahal pa rin kita! Walang segundo, minuto, oras, araw, linggo at buwan na nawala ka sa isip ko! Kahit sa pagtulog ko, ikaw pa rin laman ng panaginip ko. I'm not saying these things para paniwalaan mo. I'm saying them because they're true! And I am true to you! Noon at ngayon! Lahat ng dahilan bakit mahal kita noon ay walang-wala sa dahilan kung bakit mas mahal kita ngayon! I left you alone because I owed you the truth! And this is the truth! Wala ako kung wala ka! Lumayo man ako sa pinakamalayong parte ng mundo, hindi ko pa rin maitatangging mahal kita! At araw-araw kong idinadasal na sana, mahal mo pa rin ako! Na nandyan pa rin ako sa puso mo! Pero kung...kung...shit! K...kung talagang ayaw mo na sa akin, pag-usapan natin ito! So, please Den, please open this door and let's talk!

Nakapagitan man ang pinto, ramdam na ramdam ni Dennise ang sinseridad sa boses ni Alyssa. She doesn't have to see her face to feel and know na totoo ang sinasabi ng babae. Her ears believed those words, her heart were touched by those words. Kaya wala nang pag-aalinlangang tumayo siya at binuksan ang pinto. At bumungad sa kanya ang mukha nitong punung-puno ng luha.

Den...?

Siya na ang sumugod ng yakap kay Alyssa.

Den! I love you! And I'm sorry! bulalas nito habang yakap siya.

She stopped the words with a kiss on Alyssa's mouth. Hindi naman siya na-disappoint at tumugon din agad ito ng halik sa kanya. And from there ito na ang naging mas agresibo kesa sa kanya.

PerfectWhere stories live. Discover now