Perfect Nine

4.7K 152 10
                                    

The next morning....

Good morning ma'am! bati ng security kay Dennise.

G..ood morning morning po kuya! An...anong floor po ang opisina ni Ms. President?

Pasensya na, ma'am, bawal po kaming magbigay ng information. Samahan ko na lang po kayo sa reception! magalang na sagot ng napagtanungan niyang guwardiya.

Hay naku Dennise, ang aga pa para mawala ka sa katinuan! Tanungin ba naman ang guwardiya?!?!

Nahihiyang sumunod siya dito papunta sa reception ng napakalawak na building na pag-aari ng AVGC.

This is the second time she sat foot on this place. The first time she did, hindi niya napansin kung gaano kalawak at kaganda ng lugar, bukod pa sa mga state of the art na system na meron ang gusali. Para nga itong katulad ng mga high-class buildings sa Amerika na napapanood niya sa pelikula o mga series sa tv. Hindi nagtipid sa materyales ang construction at ang reception hall ay aakalain mong sa isang hotel.

Alfred!

Yes kuya? sagot naman ng isang lalake na nasa reception. Payat ito at matangkad at sa pagtaas pa lang ng kilay nito, nahinuha ni Dennise na isa itong binabae.

May nagtatanong dito ng office ni Ms. President, sagot naman ng guwardiya at saka bumaling sa kanya ng tingin. Ah, ma'am, siya na po ang bahala sa inyo.

Salamat po!

Tumango lang ito at iniwan na siya para bumalik sa puwesto nito.

Pagtingin niya muli sa tinawag nitong si Alfred, nakataas pa rin nang bahagya ang kilay nito.

Yes, Miss? How may I help you? magalang pero may pagkamataray nitong tanong sa kanya.

Ah...hi! Good morning! Ahm, ak..ako yung temporary secretary na ni-request ni President.

Biglang bumaba ang kilay ni Alfred at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

Siya naman ang medyo tumaas ang kilay sa biglang pagbabago ng trato nito sa kanya.

What's your name, Miss? mabait na ang boses nitong tanong sa kanya.

Ahm, Dennise Lazaro.

Alfred looked down, maybe to look at his record. Wait lang ha? Let me check with HR kasi wala naman silang ibinigay na pangalan, pasintabi nito saka kinuha ang telepono at may tinawagan.

She stood still in front of the reception while waiting. Sa sobrang kaba niya, hindi niya naiwasang i-tap ang daliri sa ibabaw ng mesa. Pati paa niya, nakisabay sa ginagawa ng kamay niya. Binalikan siya ng tingin ni Alfred at napatigil naman siya sa ginagawa. Napayuko na lang siya para maitago ang pagkahiya.

Mayamaya, Good morning, Ms. President! biglang salita ni Alfred.

Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya.

Oh, shoot!

Good morning, Fifi! Did you have fun last night? narinig niya sagot ng binati nito.

Kumunot ang noo niya pero nanatili siyang nakatungo.

It was wonderful, Ms. President! And thank you for the treat!

You're most welcome! I'll go ahead!

Bye, ma'am! Take care! pahabol pa ni Alfred sa kinikilig na boses.

Siya naman, nanatili pa ring nakatayo pero nakatungo ang ulo. She couldn't bear to look up and face Alyssa Valdez. But one thing that creased her brows though. Why is her voice sounded familiar?

Perfectजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें