2.2

3.9K 107 12
                                    

'JEMA'

natapos nadin sawakas ang swimming competition salamat sa brown out dahil walang nanalo sa kanila, dahil kung hindi siguradong magulo talaga.

bwesit na Marcos nato sarap batokan asarin ba naman ako sa harap ng maraming tao. alam ko ang pustahang naganap sa kanilang tatlo dahil sinabi to ni Zai noong araw na nakita ko sya at nagkausap kami.

FLASHBACK:

nakita kong umiiyak sya kaya umalis ako at pumunta sa malapit na tindahan para bumili ng ice cream at ibigay sa kanya. okay naman ang pag-uusap namin napagtanto ko nga na hindi talaga sya masama gaya ng iniisip ng lahat. hangang sa maysinabi sya na ikinagulat ko.

"alam mo bang sumali sa swimming competition sina D at Amber. kung sino raw ang manalo sa kanila syang magiging date mo sa victory party"
siryusong tingin nya sa'kin.

muntik na akong mabilaokan sa sinabi nya kaya tumingin ako sa kanya na nakakunot ang nuo. at ang bwesit natawa pa.

"ang pangit ng reaction mo hahaha"
natatawang sabi nya.

"sino ba naman kasi matutuwa sa sinabi mo"
iritang tanong ko.

"yung mga babaeng habol ng habol sa kanila"
natatawang sagot parin nya.

akmang babatukan ko sya ng maunahan nya ako.

"hep! hep! wala pang nakakagawa nyan sa'kin"
kaya inirapan ko nalang sya.

"sino ba kasi ang nakaisip noon"
buntong hininga na sabi ko.

"ako!"
mabilis na sabi nya. kaya hindi ko na napigilan sarili ko at nasipa ko na sya.

"ano ba! ang sadista mo naman!"
reklamo nya.

"alam mo bwesit ka talaga!"
inis na sabi ko sa kanya.

"ayaw mo non isa sa'min magiging date mo. swerte mo kaya"
sabi nya habang sarap na sarap sa kinakaing ice cream.

mukhang kahit papano ay nabawasan ang sakit na nararamdaman nya. okay nayon mamaya ko nalang proproblemahin yung pustahan nayon na walang abiso sa'kin.

"ang sarap ng ice cream noh"
sabi ko sa kanya pero yung bwesit nang asar nanaman kaya hinampas ko nanaman sya at umalis na ako.

bwesit talaga! nakita na nya itong katawan kong ito na walang damit. itong maganda kong katawan na iniingat ingatan ko. huhuhu

END OF FLASHBACK:

napabalik ako sa realidad ng hatakin ako ni Terry.

"tara na ate Jema kain na tayo, gutom na ako"
sabay hawak sa t'yan nya.

bago kami umalis tiningnan ko muna sina Amber at D na pinagkakagulohan ng mga tao.

-----FF---

ang bilis ng oras at victory night na. nasa gym na kami ngayon ng school syempre kasama ko yung tatlo.

ang ganda ng venue parang debute ng anak ng presidente. marami naring tao umupo na kami nila Kyla habang tumitingin tingin parin sa paligid.

"masyado ka atang nagpaganda Galanza"
mapang asar na Zai Marcos ang bumongad sa'kin.

"pwedi ba kung mang-aasar ka lang umalis ka na"
pairap na sagot ko sa kanya.

"ito naman ang sungit, mayron kaba"
aba! talagang nananadya pa talaga sya.

papatulan ko na sana kaso nagtilian yung mga babae na malapit sa entrance. kaya napabaling ang tingin naming lahat don.

at tumambad lang naman sa'min ang magkasamang D at Chloe. teka, akala ko ba ako ang gustong maka date ni D bakit si Chloe ang kasama nya. hayyyy... parang nawalan ako ng gana.

Campus CrushWhere stories live. Discover now