Part-7

3.6K 111 15
                                    

'JEMA'

nasa sala kami ngayon kasama buong barkada lahat may hawak na baso na may lamang alak.

"kailan kaba uuwi Terry, tandaan mo nag-aaral kapa"
si Tots iyon.

"uuwi po ako bukas"
sagot ni Terry sa kanya.

"alam ba ng tatay mo na absent ka sa school mo ngayon, at nandito ka kasama namin"
tanong ulit ni Tots. bakit si Terry pinag-iinitan nya.

"hindi po. pero papasok naman na ako bukas"
parang nagmamakaawa na sabi ni Terry.

kahit magugulo tong mga ito maypakialam naman sila sa nangyayari sa buhay ng bawat isa. ito ang gusto ko sa kanila nandoon ang salitang concern para sa kaibigan.

"Jema samahan mo naman ako, may kukunin lang ako sa veranda"
baling ni Ced sa akin.

"huh? ano ba 'yon?"
takang tanong ko sa kanya.

"wagnang maraming tanong samahan munalang ako"
na iinis ba sya.

sumunod nalang ako sa kanya patungong veranda. pagdating namin doon tinanong ko pa sya kung ano yung kukonin nya pero tumingin lang sya sa likoran ko.

"sige mauna na ako. ikaw na bahala"
paalam nya sa amin at kasabay non ang pagtapik nya sa balikat ni Deanna.

tumingin lang ako kay Deanna na nagtataka.

"pasensya kana dito ha, gusto ko lang talagang makausap ka"
kamot ulo nyang sabi.

"ano bang gusto mong pag-usapan natin"
tanong ko sa kanya.

"yung atin. yung tayo"
mabilis nyang sagot. napatingin ako ng diritso sa mata nya ganon din sya sa akin.

parang bigla akong kinabahan sa kung anoman ang mga sasabihin nya.

"Jessica, una sa lahat I'm sorry. hindi ko naman tagala ginusto ang lahat nang iyon. pinipigilan ko sya. I'm sorry kasi nagkamali ako. I'm sorry love."
yumoko sya pero agad ding tumingin ulit sa akin.

"hindi ko kayang mawala ka sa akin love, halos mabaliw ako sa dalawang araw na hindi mo ako kinakausap. pwedi panaman natin pag-usapn to diba. pangako gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako love"
mukhang sincere yung mahal ko.

"lahat?"
tanong ko sa kanya mabilis naman syang tumango.

"pakawalan muna ako Deanna"
seryusong sabi ko sa kanya. nakita ko naman ang mabilis na pagbago ng mukha nya.

bigla itong nalungkot at nagbabadya na ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"love. wag naman ito oh, please kahit ano waglang ito. hindi ko kaya"
maluha luhang sabi nya.

bago paman pumatak ang mga luha nya niyakap ko na sya.

"mahal na mahal kita Deanna Wong, hindi ko rin kayang mawala ka sa akin"
nakayakap parin ako sa kanya habang sinasabi ko iyon. naluluha narin ako.

bigla naman nyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at kumawala sa yakap ko nakatingin sya sa mga mata ko na nagtataka.

"pero hiniling mo na pakawalan kita"
nagugulohang sabi nya.

"sinabi ko iyon para makita ang reaction mo. pero yung tutuo natatakot ako na baka pumayag ka sa hiling ko"
ngumiti ako sa kanya.

"alam mo naman na hindi ko gagawin yon diba"
tanong nya na agad naman akong tumango at mabilis naman nya akong niyakap.

"mahal na mahal kita love. ibig sabihin naba nito napatawad muna ako"
magkayakap parin kami habang sinasabi nya iyon.

"matagal na kitang pinatawad love"
sagot ko sa kanya.

Campus CrushWhere stories live. Discover now