Part-10

3.3K 125 11
                                    

'DEANNA'

nakabalik na kiming lahat ng manila nasa pulis station kami ngayon hinihintay si major.  may nakita raw silang ibidinsya sa crime scene ni Abegail na pweding may kinalaman sa pag kidnapp kay Jessica.

si Tots at Zai nalang ang kasama ko sa mga kaibigan ko. nasa harap ko naman si Tito naghihintay rin sya sa resulta.

magkasabay pa kaming napatayo ni Tito ng dumating si major.

"anong balita major"
agad kong tanong sa kanya.

"mukhang biktima rin si Abegail sa mga nangyari"
baling ni major kay Tito.

"anong ibig mong sabihin?"
takang tanong ni Tito dito.

may ipinakita naman sa aming video si major. napayukom si Tito sa nakita nya at nagtaka ako sa napanuod ko.

bakit pumunta si Hector sa bahay nila Tito. hindi ko alam malapit pala si Abegail at Hector sa isat-isa, buong akala ko hindi sala magkakilala.

"Hector"
galit na bangit nya sa pangalan ng lalaki.

"kilala mo sya Tito?"
tanong ko dito.

tumingin sya sa'kin ng seryuso. tumingin sya ng dirikta sa mga mata ko.

"hindi ko sya lubosang kilala. pero nabangit sya ng anak ko at isang bisis lang kaming nagkaharap"
seryuso paring tingin nya sa akin at napabuntong hininga.

"planado ang lahat ng pagkikita nyo ni Abegail, Deanna"
nagtaka ako sa sinabi nya.

"anong ibig mong sabihin?"
hindi ko sya maintindihan.

"ang simenar na nangyari sa hospital ko. ang pagdalo mo dito, planado ni Hector yon. gumawa sya ng paraan para ikaw mismo ang pumonta ng simenar. nalaman ni Hector na patay na patay sayo ang anak ko nakipag kasundo sya kay Abegail na tutulongan nya itong mapalapit sayo basta siguradohin lang daw ng anak ko na susundin nya ang mga plano ni Hector"

"hindi ko alam na hahantong sa ganito. patawad sa nagawa ng anak ko Deanna"
napaluha ulit sya sa huling sinabi nya.

"pero bakit. ano ang motibo ni Hector para gawin ito?"
nagugulohang tanong ko.

"hindi ko alam, sorry. "
sagot nya sa akin.

bumukas ang pintuan ng silid ni major at doon ko nakita si Amber. teka anong ginagawa nya dito at kailan pa sya nakauwi ng pinas.

agad syang tumingin sakin ng masama at mabilis na lumapit hindi ko inasahan ang ginawin nya isang malakas na suntok ang pinakawalan nya sa mukha ko na naging dahilan para mapasandal ako kay Tots.

"anong ginawa mo Deanna!"
galit nyang baling sa'kin.

"pinaubaya ko sya sayo kasi nangako ka na aalagaan at puprotiktahan mo sya. pero ano to! mali ba ako na hinayaan ko syang mapunta sayo"
matalim na nakatitig sya sa mga mata ko.

"wag kang mag-alala hahanapin ko sya"
sagot ko dito kasabay non ang pagtayo ko ng maayos.

"pano mo gagawin. ni hindi ka nga makapag-isip ng matino"
pagkasabi nya non ay tumingin sya kay Zai at kay major at saka tumingin ulit sa akin.

"pano mo gagawin kung nasayo ang mga mata ng kalaban! kung nag-iisip ka ng matino dapat alam muna babantayan ng kalaban mo ang bawat galaw mo. at kung nag-iisip ka ng matino dapat pati yung kasama ngayon ng asawa mo pinaimbistigahan mo!"
inis parin nyang sabi.

"tuso si Hector, masyado syang matalino. nagawa nga nyang paikotin kayo sa mga palad nya at nagawa nyang makalapit sa inyo ng walang pagdududa. nagawa rin nyang makuha si Jema na hindi sya paghihinalaan"
nakangiti sya na bumaling sa akin ngiti na hindi ko gusto dahil alam ko hindi maganda ang ibig sabihin non.

Campus CrushWhere stories live. Discover now