5.3

3.4K 133 6
                                    

'AMBER'

( 3:15pm)

nakabalik na kaming lahat sa Campus nasa cafeteria na nga ako kasama ng mga kaibigan ni Jema pero bakit hangang ngayon wala parin sya patapos na ang breack time at mag sisimula na ang bagong subject namin.  syang ipinagtataka ko.

"na receive nyo ba message ni ate Jema"
si Terry ang bumasag sa kanina ko pang pag-iisip.

"anong message?"
sabay ni Ced at Kyla.

ipinakita naman sa'min ni Terry yung message na sinasabi nya. kinabahan ako sa nakita ko, nakalagay kasi doon ang mga salitang...

         TULONG

nang mabasa ko 'yon agad akong tumayo dahilan para pagtinginan ako ng mga kasama ko.

"excuse me"
pagpapaumanhin ko sa kanila. at nagpatuloy na sa paglalakad.

"teka Amber. sa'n ka pupunta?"
si Kyla na ang nagtanong.

"hahanapin si Jema"
sagot ko.

"bakit ano bang nangyari sa kanya? nawawala ba sya?"
sunod-sunod na tanong nya. hindi na ako nakasagot dahil biglang nagsalita si Tots.

"kung hahanapin mo si Jema, sasama kami"
sya namang pag tayo nya.

hindi ko na sila sinagot pa bagkus tumalikod na ako at nagmamadaling lumabas ng cafeteria. ano bang nangyayari nasaan ka ba Jema. mga tanong na naglalaro sa isip ko. hindi ko mapapatawad sarili ko kapag maymangyaring masama sayo.

"tawagan mo nga Terry, baka trip lang nya to"
si Tots ulit yon.

"kanina ko pa nga tinatawagan pero out of coverage na"
sagot ni Terry na sige parin sa pagkalikot ng cellphone nya.

hinanap namin sya sa buong university naghiwa-hiwalay pa nga kami sa paghahanap kaso hindi talaga namin sya makita. subra na ang pag-aalala ko sa kanya dahilan para hindi na ako makapag-isip ng mabuti.

(4:35pm)

nagkita-kita ulit kami sa may kuridor ng school.

"kumosta, maynalaman ba kayo?"
ako na unang nagtanong kila Tots, kasama nya si Terry at Ced.

"naghanap kami, nag tanong-tanong kaso wala eh"
sagot ni Tots.

"teka si ate Jema ba yon"
turo ni Terry sa baba ng kuridor.

napahawak ako sa pader ng kuridor ng makita ko si Deanna Wong na buhat-buhat si Jema. yung pag-aala ko medyo nabawasan pero bakit parang masmasakit nararamdaman ng puso ko ngayon.

"wala akong nagawa para matulongan sya. wala akong nagawa para ipagtangol sya. wala akong kwenta hindi ko sya naprotektahan hindi ko sya nabantayan"
nanghihinang sabi ko. nasasaktan ako nasasaktan ako yon ang nararamdaman ko.

"wag mong sabihin yan Amber, kasama mo kami. nakita namin effort mo saksi kami sa paghahanap mo sa kanya. ni hindi ka nga sumuko"
alam ko pinapagaan lang ni Kyla ang luob ko.

"pero si Deanna parin ang nakahanap sa kanya. at wala akong nagawa"
nakayuko na ako ng sinagot ko sya.

"wala na tayong magagawa kung tadhana na ang nagpasya ni si Deanna ang makahanap sa kanya. ang mahalaga ligtas na sya"
sa pakakataong ito si Tots naman ang nagsalita. tama sya ang mahalaga ngayon ligtas na si Jema.

"pero ang tanong sino ang may gawa nito sa kanya"
napatingin ako bigla kay Ced dahil sa sinabi nya.

naalala ko tuloy ang mga narinig ko kaninang umaga ng papunta ako sa dance room. napahinto pa nga ako sa hallway ng marinig ko ang usapan ng mga kaibigan ni Amanda.

Campus CrushWhere stories live. Discover now