CHAPTER 5(The Play)

3.5K 108 2
                                    

'ZAI'

"Ibibigay ko sayo ang gusto mo. pero gagawin mo rin ang nais ko"
siryusong sabi nya na nakatingin sa mga mata ko.

"Ano bang nais mo?"
nakangiting sabi ko kay Amanda dahil excited akong makuha ang gusto ko.

"Nais kong mapatalsik si Jema sa Campus University"
seryuso parin po sya.

"sinong Jema?"
tanong ko sa kanya na naging seryuso na rin.


"Jema Galanza, ang babaeng kinababaliwan ni Deanna"
sagot ni Amanda.

ang kaninang excitment na nararamdaman ko ay biglang napalitan ng pag-aalinlangan.

"alam kong gagawin mo ang bagay na yon para sa'kin. alam kong hindi mo ako bibiguin Zai"
nanatili parin akong walang imik hangang sa hindi ko inasahan ang huli nyang ginawa.

bago paman sya makaalis ay lumapit sya sakin at hinalikan ang pisngi ko sabay sabing...

"good night Zai"
nakangiti pa syang iniwan ako dito sa veranda ng yellow dorm.

"bakit sa dinami rami ng nais nya yon pa. bakit si Jema"
napapikit ako sabay tingala sa kalangitan na nagliliwanag dahil sa maraming bituin.

Napa buntong hininga ako sabay sabi sa isip ko "kung tutuo man ang mga tala sa kalangitan sana pakingan nyo ang hiling ko." habang nakatingala parin ako sa mga bituin.

pag aalinlangan ang nasa isip ko sa gusto ni Amanda dahil para sa'kin mabuting kaibigan si Galanza,  malaking bagay ang naitulong nya sa'kin dahil sa kanya kahit papano naging maayos kami ni daddy.

FLASHBACK:

hinahabol ko noon si Galanza dahil nag walk out nanaman sa kakainis ko sa kanya hahaha ang bilis nya kasing mapikon nasa quadrangle na kami ng maabotan ko sya saka naman tumunog cellphone ko sabay pa kaming napatingin ni Galanza sa caller ID.

si daddy tumatawag via video call sininyasan naman nya ako na sagutin ko na. pumuputok nanaman sya sa galit hindi ko naman alam kung bakit. pasimple kong tinitingnan si Jema dahil alam kong naririnig nya ang mga sinasabi ni dad. nabalik ang atensyon ko sa ka video call ko ng tanungin nya kung sino ang kasama ko at pinilit pa ako na ipakausap ko sa kanya.

galit nyang kinausap si Jema noong una kaya natatakot sa kanya si Galanza. Hanggang sa nagbago ang reaction nya ng malaman nya kung sino ang mga magulang ng kausap nya. sinabi panganya sa babae na sigurado daw sya na nagmana ito sa papa nya na sya namang ikinangiti ni Jema.

simula ng pangyayaring yon palagi na akong kinakausap ni dad at pag-umuuwi na ako sa bahay maayos na ang pakikitungo nya sa'kin at palagi din nyang kinukumusta si Jema.

END OF FLASHBACK:

maaga akong pumasok sa school diparin talaga ako makapaniwala sa mga nangyari kagabe.

habang naglalakad ako sa hallway ng school nakita ko si Devee at Galanza na magkasama, ang saya ni Devee ah.

maynakita naman akong magkakaibigan na maydalang gitara kaya kinuha ko ito. nagalit panga yong isa ng bigla kong hablutin yung gitara pero wala rin naman syang nagawa dahil pinaningkitan ko sya ng mata hahaha takot lang nya.

ng makuha ko na ang gitara mabilis akong sumabay sa dalawa at kinaskas ng malakas ang gitara na naging dahilan para pagtinginan ako ng lahat. paki ko sa iba ang gusto ko lang asarin si Devee hahaha.

              (akin ka nalang)
                          by
              (JM De Guzman)

wag kang maniwala dyan
di ka nya mahal talaga
sayang lang ang buhay mo
kung mapuponta ka lang sa kanya.

Campus CrushDonde viven las historias. Descúbrelo ahora