4.1

3.5K 119 0
                                    

'DEANNA'

"akala ko ba sabi mo kapagnakita mo na si Galanza hindi mo na sya pakakawalan. pero bakit iba ang nangyayri"
napatingin na ako sa kanya dahil sa mga sinabi nya

tama sya sinabi ko noon na kapag nakita ko na sya hindi ko na sya pakakawalan. alam yon ni ponggay kasi sya ang bestfriend ko at dakilang pinsan.

naalala ko tuloy ang araw na yon.

FLASHBACK:

"umayos ka nga Ponggay. ano gusto mo ikaw magwewelcome sa mga newbie!"
sita ko sa kanya kasi kanina pa sya reklamo ng reklamo.

"kainis gusto ko ako yung unang makikita ng mga newbie pagpasok palang nila sa Campus. para maymakita agad silang maganda"
nakangising sabi nya.

"gandang-ganda sa sarili ha"
asar ko sa kanya.

"naman!"
sagot nya
"sya nga pala Deans, pano kung makita mo ngayon si Galanza"
dugtong na tanong nya.

ngumiti ako sa gawi nya sabay sabing
"syempre hindi ko na sya pakakawalan pa"
kahit alam ko namang imposible ko syang makita dito.

"oh sige na guys. puntahan nyo na mga pwesto nyo para agad tayong matapos"
baling ko sa iba pang mga officer.

Nasa entrance ako ngayon kung nasaan ang mga newbie. habang tinitingnan ko sila maynahagip mga mata ko na pamilyar na tao. pero imposible na mag-aaral sya dito. kuntra ng isip ko.

pinuntahan ko yung nag-iinterviewer sa pila nya at pinalitan ito. ng sya na ang sumunod agad kong binasa profile nya.

hindi nga ako nagkamali sya nga si Margarett sya ngi ang ikay ni tito jess. bahagya akong napangiti ng mabasa ko ang profile nya.

bago paman sya makalapit napagpasyahan ko na sa blue dorm sya ilagay noong una gusto ko doon sya mapunta dahil alam ko na masmatitino ang mga tao doon kisa sa yellow dorm. pero nagbago ang pasya ko ng marinig ko ang sagot nya sa tanong ko.

"ano ba ang dahilan bakit ka lumipat ng school?"

"dahil sa crush ko"
sagot nya kumunot naman ang nuo ko. at pansin ko na titig na titig sya sa maylikoran ko kaya tumingin ako dito.

pambihira hindi pa nga ako nakakapagpakilala sayo Margarett mayhahadlang na agad sa love story natin. wag mo syang tingnan ng ganyan nasa harap mo ako.

sinabihan ko sya na tumutulo laway nya para tumigil na sya kakatitig kay Devee. pero ng malaman nya na hindi pala tutuo ay padabog nyang kinuha ang mga binigay ko at sabay sabing gago. napangiti ako sa inasta nya, madali po syang mapikon.

pagkatapos mag salita ng chancellor agad kong tenext si Mia na ibigay kay Jessica Margarett Galanza ang room number 51. yon ang room number ni Tots para segurado ako na mabuting tao kasama nya at mababantayan ko sya.

at ito pa alam nyo ba kung saan kami unang naging magkaibigan. yon yung araw na nasa rooftop kami.

binuksan ko ang likurang bahagi ng office namin at tumambad sa'kin ang rooftop ng school nasa mataas na kasi na bahagi ang student council office.

uupo na sana ako ng mapansin ko ang isang babae na inaayos ang gamit nya saka humiga. pangalawang bisis na nya dito at ngayon ko lang sya pinagmasdan ng mabuti.

teka anong ginagawa nya dito. bakit dito sya natutulog. agad kong kinuha cellphone ko at agad nag text kay Tots.

...:
nasa room nyo ba si Margarett?

diriktang tanong ko sa kanya.

Carlos:
sinong Margarett?

balik na tanong nya.

Campus CrushWhere stories live. Discover now