Part-5

3K 104 20
                                    

'JEMA'

kailan lang ang saya-saya lang namin pero bakit nangyari ang lahat ng ito ngayon. hito ako nasa loob ng taxi humahagulgol sa kakaiyak sa mga nakita ko.

ang saya ko pa kanina habang papunta ako ng hospital nila Deanna. excited akong makita sya pero nawala ang lahat ng iyon ng maabotan ko sila ni Abegail na naghahalikan. ang sakit.

pagkarating ko sa hospital agad akong pumonta sa office ni Deanna pero wala sya roon ang sabi ng secretary nya may meeting raw ito with Abegail. yung babae na naman na iyon.

nasa hallway na ako ng magkasalubong kami ni Hector himala sya ang unang bumati sa akin.

"oh, hi Jema anong ginagawa mo rito?"
bungad nya sa akin ng makita ako.

"pupontahan sana si Deanna kaso wala sya"
sagot ko dito na parang nanghihinayang.

"gusto mong sumama, papunta ako sa kanila maypinakuha kasi syang papeles sa akin"
nag ning-ning ang mga mata ko sa sinabi nya.

sumama ako kay Hector kotse na nya ginamit namin sya naman may-alam kung nasaan sila Deanna. mabilis kaming nakarating sa paruruonan namin pinagbuksan pa nya ako ng pinto para makababa ako sa kotse nya.

sabay pa kaming nagtungo sa private room na kinaruruonan nila Deanna si Hector pa nga ang nagbukas ng pinto ng silid. parihas namin nakita kung anoman ang nangyayari sa loob room na iyon.

"Deanna"
salitang lumabas sa bibig ko.

agad naman syang tumayo at tumingin sa akin samantalang nasa tabi ko lang si Hector na walang imik.

ang sakit ng nararamdaman ko ngayon parang sinaksak ang puso ko ng isang napakatalim na bagay. nagbabadya na ang mga luha ko sa pagpatak bago paman makita ng mga tao na nandito na nasasaktan ako tinalikoran ko na sila at umalis sa silid na iyon.

narinig ko pa ang pagtawag ni Deanna sa akin pero ayuko syang makita kahit ngayon lang dahil masmasasaktan lang ako kapag humarap pa ako sa kanya. kaso na abotan nya ako.

"love, sandali magpapaliwanag ako"
panimula nya.

hindi ko napigilan ang sarili kong tingnan sya ng masama at kasabay noon ang mabilis na pagpatak ng aking mga luha.

"mali yung nakita mo love"
hindi ko gusto ang narinig ko kaya agad kong pinutol ang iba pa nyang sasabihin.

"anong mali doon Deanna! kitang-kita ng dalawang mata ko yung ginagawa nyo! ano yon nagsisinungaling mga mata ko!"
galit na sagot ko sa kanya.

"hindi ko iyon ginusto, pinipigilan ko nga sya"
dipinsa nya sa sarili nya.

"hindi mo ginusto ha! hindi mo ginusto! eh kitang-kita ko Deanna! kitang-kita ko kung pano ka nag enjoy sa gingawa nyo!"
inis na inis ako sa kanya na naging dahilan para sampalin at pagsusuntokin ko sya.

"love sorry please pakinggan mo naman ako please"
pagmamakaawa nya kasabay noon ang pagyakap nya sa akin.

pilit akong kumakawala sa yakap nya. gusto ko munang mapag-isa. nang mabitawan nga nya ako mabilis akong naglakad papalayo sa kanya.

"love please pag-usapan natin to"
habol nya sa akin at mabilis na hinawakan ulit ang kamay ko.

"bitawan mo ako Deanna!"
maydiin na sabi ko.

"pero love"
pagmamakaawa nya.

"bitawan mo ako, kung ayaw mong magkalimotan tayo"
mga salitang lumabas sa bibig ko.

pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay agad nya akong binitawan  agad naman akong sumakay ng taxi para makaalis sa lugar na iyon para huwag mo nang makita si Deanna.

Campus CrushWhere stories live. Discover now