Part-6

3.1K 118 21
                                    

'DEANNA'

dalawang araw na matapos ang tagpo sa restaurant pero hindi parin ako kinakausap ni Jessica. dalawang araw matapos ang tagpong iyon puro alak na lang ang laman ng tiyan ko. dalawang araw narin na hindi ako pumapasok sa trabaho ko.

"matulog kana. kapag hindi kapa nya kausapin bukas pangako kami na ang gagawa ng paraan para magkaayos kayo"
si Tots iyon. kahahatid lang nya ako dito sa bahay.

galing ako sa resto nya, ano pangaba ginawa ko idi naglasing. hindi ko sya sinagot hinintay ko lang na makaalis sya.

tiningnan ko ang labas ng bahay kung nakaalis na sya. nang makumpirma ko na wala na nga sya ay nagmadali akong umalis para puntahan si Jessica sa condo nya.

lasing ako uo pero matino pa isip ko para makapag drive ng maayos. aayosin ko dahil gusto kong magkausap kami ni Jessica.

nakarating na ako sa condo nya, nasa tapat na ako ng unit nya. sumandal ako dito at pilit binubuksan ang pintoan.

"Jessica! Jessica. love buksan mo 'tong pinto. please love mag-usap tayo"
tawag ko sa kanya. sana naririnig nya ako.

pero wala akong naririnig na gumagalaw manlang sa loob.

"love nahihirapan na ako. kausapin mo naman ako please"
pagmamakaawa ko sa kanya.

nagtagal pa ako ng ilang minuto doon pero walang Jessica na nagbukas sa akin. hangang sa domating sila Tots.

"Deanna! anobang ginagawa mo dito. diba sabi ko sayo matulog kana"
alam ko galit si Tots pero bakas parin ang pag-aalala sa boses nya.

"bakit ba ayaw nya akong kausapin. tulongan nyo naman ako oh, buksan natin unit nya"
pagmamakaawa ko sa kanila.

"tutulongan ka namin Deanna, pero sumama ka muna kay Tots"
si Ced ang nagsalita.

tumayo na ako pero hindi ko nagawang bumalansi kaya napaluhod ako. tinulongan ako ni Ced at Tots para makatayo at makapag lakad habang si Kyla nasaharapan namin nakaalalay.

nangmakarating na kami sa kotse ni Tots agad nagpaalam ang dalawa sa amin. hindi ko alam kung saan sila puponta pero sinabi ni Tots sa kanila na...

"kayo nang bahala kay Jema. alam nyo naman ang plano diba?"
tanong nya sa dalawa tumango naman sila bilang sagot.

nagsimula na kaming magbiyahi nakarating kami sa restobar nya. nagtaka ako akala ko ihahatid nya ako sa bahay.

wala akong imik nagpatianod ako sa mga nangyayari. inalalayan ako ni Tots hangang sa makapasok kami sa resto nya doon ko nakita si Zai, Devee at Terry anong ginagawa nila dito.

nasa harap na namin silang tatlo nakaupo na ako na nakatingin sa kanila na nagtataka.

"tayo na ang gumawa ng paraan, masyado nang nahihirapan ang bestfriend ko"
si Tots ang nagsalita.

"sa tingin mo ba hindi nahihirapan bestfriend ko"
teka boses iyon ni Kyla. pero nasaan sya.

doon ko lang nakita yung cellphone na hawak ni Tots nasa kabilanh linya sila.

"yung plano Kyla, kumosta si Jema?"
tanong ni Zai.

"ito tulog na. ano na ba gagawin namin sa kanya?"
balik na tanong ni Kyla.

"puponta kami dyan ni Terry basta yung gamit nya ayusin nyo"
si Zai parin iyon.

"ano bang nangyayari?"
nagugulohang tanong ko sa kanila.

"diba gusto mong magkaayos kayo. magbabakasyon tayo doon sa resort nila Zai excited ako pwedi naman siguro magdala ng plus one diba"
hindi ko na naintindihan ang ibang sinabi ni Devee ang tumatak lang sa isip ko ay yung gusto mong magkaayos kayo.

Campus CrushWhere stories live. Discover now