5.2

3.6K 106 5
                                    

'DEANNA'

bagong umaga nagmadali akong magbihis para puntahan si dad sa bahay namin. kailangan ko syang makausap about last night. nagulohan ako sa mga sinabi nya kagabe.

simula nang makita ko si Jessica sa event na yon hindi na nawala ang mga tingin ko sa kanya. kahit nga ultimo pagkurap alanganin ako dahilan baka pagdilat ko wala na sya 😄.

nakatingin ako noon sa kanya ng lapitan sya ng Vice president Carlos Anthonio Marcos. sa nakikita kong pag-uusap nila parang matagal na silang magkakilala. nagulat nalang ako ng biglang may magsalita sa tabi ko.


"hindi ko alam nandito rin pala si Jema"
nabigla ako sa presensya nya.

"ako ngarin, nabigla ng makita sya"
sagot ko sa kanya.

"sinong kasama nya pagpunta rito?"
tanong nya.

"Amber Dizon"
tipid na sagot ko. pariho lang kami nakatingin kay Jessica.

"daughter of the lawyer"
umiinom na sabi nya.

"yes"
sagot ko pero kay Jessica parin ang tingin.

"kung ako sayo pauuwiin ko na si Jema. hindi maganda ang kutob ko kay Carlos"
mabilis akong tumingin sa kanya.

"anong ibig mong sabihin dad?"
hindi ko alam ano ba tinutukoy nya.

"hindi sa wala akong tiwala kay Carlos pero, pagdating kay Jema ilayo mo sya"
seryuso ang daddy ko.

hindi na ako nagdalawang isip at inuwi ko nga si Jessica sa bahay nila Kyla kagabe.

------

nasa harap na ako ngayon ng bahay namin huminga mo na ako ng malalim bago pumasok.


"deanna anak! buti nakauwi ka. I miss you baby"
sabay kiss pa nya sa pisngi ko. si mommy yon na halatang halata na masaya sya na nakita ako.

"sumabay ka na sa'min mag breakfast Deanna"
si dad naman yon.

masaya kaming kumain ng breakfast panay kwento si mom at panay tanong rin sakin ng kung ano-ano. si dad nakikinig lang minsan nasisilip ko na napapangiti rin sa'min ni mom.

pagkatapos ng breakfast nag bonding pa kami ni mom. buti nalang may dumating na kaibigan nya at na busy na sya doon. nakahanap naman ako ng way para puntahan si dad at makausap.

kumatok mo na ako bago pumasok sa office nya dito sa bahay.

"busy?"
bungad ko sa kanya ng makapasok na ako.

"hindi naman. umupo ka"
lahad nya sa kamay nya sa upuan na malapit sa kanya.

"ah dad pwedi ba kitang makausap"
panimula ko.

"ou naman ano yon"
habang sa binabasa nya lang sya nakatingin.

"about last night"
seryusong sabi ko.

"akala ko ba tapos na yon"
napansin kong nahinto sya saglit.

"si Jessica ang pinag-uusapan dito dad. pano ko sya mapruprotiktahan kung hindi ko alam ang storya"
pagpupumilit ko.

"sigurado kaba?"
seryusong tanong nya tumango naman ako bilang sagot.

huminga mo na sya ng malalim bago magsalita.

"alam mo naman na kasali ako sa isang banda noong high school ako diba"
tumango ulit ako bilang sagot.

"and you know that time we're in the same band with your tito jess"
tumango lang ulit sagot ko.

Campus CrushWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu