Last Part-13

6.7K 186 41
                                    

'DEANNA'

weeks, days, hours, minutes, or just a seconds. maaring manganak na si Jessica sa mga panahon na yan, dapat nasa bahay ako ngayon binabantayan sya at ang baby namin. kaso hito ako kinailangan ng hospital dahil sa isang pasyente na kailangang operahan.

nagkaroon sya ng komplikasyon sa pagbubuntis. hindi paman nya nailalabas ang bata mula sa sinapupunan nya ay namatay ito sa loob ng tiyan nya. maysakit sa puso ang pasyente dahilan para masmaging komplikado ang pag-opera sa kanya.

naisagawa ko naman ng maayos ang operasyon sa pasyente. naawa lang ako dito dahil sa wala silang anak na mayayakap. hindi sila nabigyan ng pagkakataon para makapiling at mayakap ang bata.

sana hindi ito manyari sa amin ni Jessica. gusto kong maramdaman na maging magulang gusto kong mayakap ang anak ko.

gusto ko na sa unang ngiti ng anak ko nandoon ako masisilayan ko ito. ang unang pagdilat ng mga mata nya, ang unang pagsilay nya sa mundo gusto ko ako ang unang makita no'n.

ang unang paggapang nya, gusto kong ako mismo ang umalalay sa kanya. ang unang pagbigkas nya ng mga salita, gusto ko pangalan ko ang una nyang babangitin. ang unang paghakbang nya, gusto ko nandoon ako para saluhin sya sakali mang matumba sya.

lahat ng una na gagawin nya, gusto ko nandoon ako. gusto ko ako yung unang makakaalam o kaya kami ni Jessica.

lumabas na ako ng operating room babalik na sana ako ng office ko ng bigla akong hawakan sa kamay ng asawa ng pasyente na inoperahan ko.

"doc. maraming salamat po sa lahat na naitulong nyo. yung gastosin namin dito sa ospital na sinagot nyo, ang laking tulong po non samin"
pagpakumbaba ng lalaki.

"gusto ko lang makatulong. isa pa gusto ko lang mabawasan ang sakit na nararamdaman ng asawa mo"
sagot ko sa kanya na nakangiti.

natapos lang ang pag-uusap namin ng bigla kong narinig si nanang na sumisigaw sa likoran ko.

"Deanna! Deanna anak!"
sigaw ni nanang napatingin naman kami pariho ng kasama ko sa kanya.

"oh nanang anong ginagawa nyo po rito? may problema ba. si Jessica nasaan sya?"
sabay-sabay na tanong ko sa kanya.

napatingin muna sya sa kasama ko bago magsalita.

"si Jema. nandiyan buhat-buhat ng mga tauhan mo, manganganak na anak! "
natataranta nyang sabi.

sa taranta ko tumakbo ako palayo sa kanila. iniwan ko sila doon na walang paalam agad kong hinanap ko si Jessica.

"Wong bwiset ka! nasaan kaba!"
yan ang sigaw na umalingawngaw sa loob ng hospital.

agad ko namang pinuntahan yung babae na nasa stretcher na itinutulak ng mga nurse.

"Jessica"
sya lang lumabas sa bibig ko ng makalapit na ako dito.

sabi ko na ngaba na asawa ko yung sumigaw.

"Deanna bilisan mo. ang sakit-sakit lalabas na yung bata!"
habang sinasabi nya yon ay syaring pag hatak nya ng damit ko.

"relax kalang love. sundan mo lang ako. inhale. exhale. okay isa pa"
gusto kong pagaanin yung nararamdaman nya at gusto koring bitawan na nya yung damit ko napupunit na kasi ito kakahatak nya.

nang makapasok na kami sa operating room agad inayos ng mga nurse  ang lahat. hindi lang ako ang doctor na nandoon, dalawa kami. pero ako parin ang gumawa ng lahat ng procedure gusto kong makasigurado na maayos at ligtas ang asawa at anak ko.

"Jessica, love. umiri kapa isa nalang lalabas na si baby"
pangungumbinsi ko sa kanya.

"isa nalang Deanna ha! kasi pagdipayan lumabas sisipain na talaga kita diyan!"
mabilis na sabi nya saka umiri.

Campus CrushWhere stories live. Discover now