4.2

3.4K 115 3
                                    

'DEANNA'

nang makaalis na si Ponggay sa room ko nag prepare na ako sa night rituals ko para makatulog na. dahil bukas pagising ko babantayan ko na ang reyna ko.

bago ako matulog pinagmasdan ko mo na yung bed ko saka ako humiga at yumakap sa unan ko. para nga akong timang pagnaaalala ko ang gabi na yon. sa kama na to kami unang nagtabi pagtulog.

FLASHBACK:

weekend, first saturday of the month ibigsabihin uuwi ang mga studyante. kaya nag text ako kay Tots kung ano plano ni Margarett at napag-alaman ko na hindi pala sya uuwi. kaya hindi rin ako uuwi babantayn ko nalang sya. mamaya kung ano pang mangyari sa kanya wala panaman syang kasama.


afternoon na nang maisipan kong magtambay sa pinakalikod ng university kung saan maymagandang falls na hindi agad makikita. dahil nasa gitna ito ng malalaking puno at pinag babawal ng council na pumunta dito.


nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng maymarinig akong ingay na nangaling sa may falls ng tumingin ako dito.


hala! anong ginagawa nya dito sa isip-isip ko ng makita ko si margarett na manghang-mangha sa nakikita nya.


tumingin tingin pa sya sa paligid na naging dahilan para sumiksik ako sa puno na kinauupuan ko. nang bigla syang maghubad ng damit at lumusong sa tubig.

napako ako sa kinauupuan ko at namula pa nga ata ang mukha ko sa nakita ko. grabe ang ganda ng katawan nya ang puti-puti pa umangat pa nga ako para pagmasdan sya ng mabuti. para na akong manyakis sa mga pinaggagawa ko.



pinagmamasdan ko lang sya ng mapansin ko na para syang nahihirapan at unti-unting lumulubog. hindi na ako nagdalawang isip pa itinapon ko ang hawak kong aklat at agad nagtangal ng sapatos saka tumalon sa tubig.

bago pa sya malunod ng tuluyan na sagip ko na sya. habang paahon kami sya naman ang pag-ubo nya ng pag-ubo. nasa tubig parin kami pinaupo ko lang sya sa maygilid ng mga bato.


"ano ba kasi ang nagyari at nalunod ka don"
sabay turo ko sa pwesto nya kanina.


pagtataka ang nakikita ko sa mga mata nya.

"salamat sa pagligtas sa'kin"
sabay non ang pagyuko nya.


"sabihin mo nga sa'kin kong ano ba talaga ang nangyari"
mahinahon na sabi ko. medyo tumaas kasi kanina boses ko. nag-alala lang po ako.


"natapilok kasi ako, hindi ko naman namalayan na malalim na pala don kaya muntik na akong malunod"
hindi parin sya tumitingin sa'kin.

"hindi ka marunong lumangoy?"
paninigurado ko. umiling naman sya bilang sagot.

kaya pala nasa gilid lang sya at hindi lumalangoy papuntang falls. at ito rin siguro ang dahilan kung bakit tinatanaw lang nya ito mula sa kinaruruonan nya.

napangiti ako pero naawa parin ako sa kanya.

"gusto mo bang tulungan kitang pumunta doon?"
sabay turo ko sa falls.

umangat ang ulo nya at tumingin sa'kin ng nagtataka. hindi ko na hinintay ang sagot nya at hinawakan ko ang magkabilang kamay nya sabay lagay ito sa mga balikat ko.

"kumapit ka lalangoy tayo papunta don"
ngumiti ako sa kanya pero yung mukha nya ay ganon parin.

"ang lamig. masmalamig nga talaga dito at ang ganda pa"
manghang sabi nya ng makarating na kami sa ilalim ng falls.

ibinaba ko sya kasi medyo mababaw naman kinatatyoan namin.

"pano nangyari na anglaki mo na pero hindi kapa marunong lumangoy"
diriktang tanong ko sa kanya.

Campus CrushWhere stories live. Discover now