Chapter 9

149 8 0
                                    

NINE
#Hello

Hinatid ako ni Zade matapos namin magpaalam kay Tito Hades. As always, tinanong niya kami ulit if kami na ba and he always sigh kapag sinagot namin siya ng hindi. Hinabilinan niya si Zade na ihatid ako safely sa bahay namin at 'ligawan' ang mga magulang ko. We end up laughing hanggang makapasok na kami sa sasakyan niya.

Hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang unexpected call na galing kay Eros. Bakit ba niya ako pinapapunta doon? At ano ang ibig sabihin niya with that 'akin ka na' phrase? Psh. Siguro malakas lang ang tama ng sininghot niya.

Pagkarating namin sa bahay, pinakain ko muna si Zade dahil ayaw pa niyang umuwi. Talagang feel at home siya.

"Ah-ah! Magluto ka ng Adobong Baboy please?"

At ayun nga. Naging katulong ako ni Zade sa loob ng sariling pamamahay ko. Pagkatapos niyang kumain ay umuwi din siya kaagad at ako ay pumanhik patungo sa kwarto.

Nagpagulong-gulong ako sa kama. I was torn between going and not. Iniisip ko ang pros and cons and my merits and demerits kapag pupunta ako. Ano nga ba ang makukuha ko kung makikipagkita ako sa kanya? Ano ngayon kung makikipagkita ako? Obligado ba akong makipagkita sa kanya? Ano ba ang sasabihin niya na kailangan pa naming magkita?

Argh! Napasabunot ako sa ulo ko. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung pupunta ba ako o hindi. Ano ba kasi ang trip sa buhay nitong si Eros?

Wala naman sigurong masama kung makikipagkita ako sa kanya diba? Ah. Meron. Boyfriend siya ng ate ko kaya bakit ako makikipagkita? If I were to meet him ay para ko na din siyang inaahas sa ate ko. But it wouldn't be that way kung sasabihin ko kay Clover, right? Pero what if makikipagkita siya ay dahil magpapatulong siya sa ate ko?

Pero seryoso ba siya sa ate ko?

Hinalikan niya ako at hinalikan ko siya pabalik. At first kiss ko 'yun! Should I tell Clover or not? I better should...not. Magagalit siya saakin. I'll just make it sure na hindi na 'yun ever mangyayari ulit.

Inuntog ko ang ulo ko sa headrest. Gosh! Nakakastress naman itong mga iniisip ko. Ang layo na nga ng tinakbo ng utak ko. Pagod na 'yung utak ko sa pag-iisip ng what ifs.

Naisipan kong bumaba at kumuha ng makakain dahil gusto ko munang kalimutan ang mga iniisip ko. Bukas ko na lang sila proproblemahin. Problems can wait but my stomach can't kaya uunahin ko ang problema ng tiyan ko.

I cooked egg, chorizo and ham kahit hating gabi na. Meron pa namang kanin mula sa hapunan na hindi naubos. Ako na lang ang nagluto dahil makakaabala lang ako sa mga kasambahay namin na nagpapahinga.

Habang kumakain ako ay naiisip ko naman 'yung mga problema ko. Since when did my life gets topsy-turvy? Maayos naman 'yung takbo ng buhay ko before this semester. Si Zade lang naman 'yung nuisance sa buhay ko noon. But now? Ewan. Parang nagiging komplikado ang mga bagay in a snap. Ni hindi nga ako naka-catch up sa pagbabago.

Napagpasyahan kong humanap ng paraan para idivert ang atensyon ko. Sabi ko nga diba, ipagpabukas ko na 'yung mga problema.

I have decided to open up my SNS account. Ilang linggo na din na hindi ko chinicheck ang mga accounts ko dahil hindi ko naman ito hilig.

Iyong picture ko nga sa Facebook ay picture ko pa two years ago. Hindi ko pinalitan kasi mukha ko pa rin 'yun. Tapos yung picture ko sa Twitter ay panda pa rin. Walang pinagbago.

It was my sister's request na magkaroon ako ng Facebook kaya gumawa ako. And it was Zade who initiated in making 'my' Twitter account. Alam niya email address ko at password kasi siya 'yung gumawa. Mako-consider ba na akin 'yun? Kasi feeling ko pangalan lang ang akin dun.

Stealing the Heart ThiefWhere stories live. Discover now