Chapter 11

169 7 0
                                    

ELEVEN
#History

Nakarating kami sa isang water park. I felt ecstatic when I saw the place kung saan niya ako dinala. Lumabas ako sa pinto ng sasakyan niya feeling giddy inside.

"Like it?"

Nakangiting nilingon ko si Eros na nakangiti rin. I enthusiastically nodded at him at nilibot ang tingin sa lugar. Gosh. Feeling ko bumalik ako sa pagkabata dahil sa sobrang excitement ko. It has been so long since I've been here din kase.

Napalingon ako sa magkahawak naming kamay ni Eros when he suddenly pulled me with him papunta sa entrance. Binalewala ko ang paghawak niya sa kamay ko dahil napalitan ito ng excitement.

Pinakapaborito kong lugar ang mga lugar kung saan may makikita akong tubig at kulay asul. The sight of seeing color blue water makes me feel at ease and at the same time uneasy. Ang gulo noh? Takot lang naman ako sa tubig dahil hindi ako marunong lumangoy. Hirap akong mag float kahit gustong-gusto kong matutong lumangoy.

Eros paid for our entrance. I felt so happy seeing everything in blue. May shrub pa na ginupit sa shape ng isang dolphin. Ang cute talaga!

Tinatanong ni Eros kung saan gusto kong sumakay. Dahil hindi ko pa rin naman alam kung ano ang gusto kong unahin sa napakaraming magagandang rides ay naglibut-libot na lang muna kami.

Hanggang sa may nakita akong ride na gusto kong masubukan. Hinila ko si Eros papunta doon sa may linya.

"You wanna ride this?" Tanong niya habang nakatingala sa itaas.

I nodded. "Bakit? Takot ka ba?" Puno ng panunukso kong sabi.

"Hindi ha!" He defended.

I looked at him as if hindi talaga ako naniniwala sa sinabi niyang hindi siya takot. "Weh?"

"Totoo nga!" He said. Gusto kong matawa sa itsura niya dahil para siyang natatae na ewan. He looked uneasy.

"Sabi mo, e. So sasakay na talaga tayo diyan. Excited na ako!"

Tumingin ako sa kaniya na palinga-linga sa paligid. Kung hindi lang sana siya obvious ay iisipin kong totoong hindi siya takot. But his actions now seems to convey another thing.

"Azalea..."

"Ayan na! Tayo na next!" I interrupted.

Alam kong natatakot na siya kasi mas naging tense na 'yung katawan niya. Iisipin ko pa lang na ilantad sa publiko ang kaduwagan niyang 'to, sure na sure na papatok ito. Akalain mong si Samael Eros Cojuangco takot sa The Abyss.

Hinubad namin lahat ng gamit na pwedeng mahulog o matanggal sa katawan kapag nasa ere na kami. For safety precautions.

And the best part is hindi na maitago ni Eros ang kaba sa mukha niya. Katabi ko lang siya. Palihim akong tumatawa hanggang sa makaupo na kami sa ride.

Dahan-dahang inaangat kami habang 'yung mga paa namin nakalutang sa ere. Excited kong tinignan ang paligid; ang half view ng water park. Napangiti ako nang makita ko ang katabing dagat ng parkeng ito na kulay blue talaga. Nagre-reflect sa kabuuan ng tubig ang sinag ng araw.

Napatili ako nang biglang bumagsak 'yung inuupuan namin nang napakabilis at umangat uli ng dahan-dahan. Naramdaman kong parang naiwan sa ere 'yung kaluluwa ko. Tapos kagaya ng mga pelikula na aakalain mong na-stretch 'yung mukha mo sa pressure ng hangin. Si Eros naman ay panay ang sigaw kaya natatawa ako.

Apat na beses pabalik-balik ang routine ng ride. Dahan-dahan kang itataas at napakabilis naman ang pagbagsak. Nang dahan-dahang binababa na kami ay humihina na din 'yung adrenaline rush ko. Paglingon ko kay Eros ay namumutla na ito.

Stealing the Heart ThiefWhere stories live. Discover now