Chapter 3

204 5 0
                                    

THREE

#Respect

Naiinis ako. Sobrang naiinis ako ngayon.

Pagkarating ko sa bahay, hindi ko inaasahan ang makikita ko. Hindi ko inakalang magagawa nilang dalawa iyon sa bahay pa mismo.

Bahay namin mismo!

Buti na lang ako ang nakaabot sa kahalayang ginawa nila.

Hindi ko maiimagine ang mukha nina mama at papa pag nakita nila ang maganda nilang anak na hinihipuan ng boyfriend niyang ubod ng yaman at gwapo pero playboy at halos nakahubad na sa sala namin. Mabuti at second base pa sila noong naabutan ko. Kasi kung nangyari home base na ang lagay nila noong dumating ako, hinding-hindi na ako makakaharap sa kanilang dalawa.

Imbes kasi sila ang mahiya, paniguradong ako lang ang makakaranas noon in behalf of them. Bakit ko nasabi? Kasi hindi man sila nahiya noong naabutan ko sila kanina. Sa halip ay nagawa pa ng Eros na yun bumati ng 'hi' at kumindat habang nakapatong sa kapatid ko.

Kadiri.

Sana man lang kung ginawa nila iyon ay sa kwarto na lang ni Clover. Para din hindi ko sila naabala.

Nagkulong ako sa kwarto pagkatapos ko silang pinagsabihan. Pumasok din silang dalawa sa kwarto ni Clover. Kung ano ang ginawa nila, hindi ko na alam. At wala akong balak alamin pa. Sobra na akong nahiya sa nakita ko.

Lumbas ako sa kwarto ko para kumuha ng juice sa baba. Nang nagpunta ako sa kitchen ay nakita ko si Eros na kumukuha din ng tubig.

Thank God at nakadamit na siya!

Napatigil ako sa paglalakad nang magtama ang paningin naming dalawa. Ako ang unang nag-iwas at pinagtuunan ng pansin ang pagkuha ng sinadya ko.

"Hi."

Nilingon ko si Eros na nakangiting may hawak ng tubig sa kaliwang kamay.

Tumango lang ako. Kumuha ako ng slice ng cake at inilipag iyon sa platito.

"Ako pala si Eros." Rinig kong sabi niya.

"Alam ko." Umupo ako sa silya ng dining table at nagsimulang kumain.

Tumikhim siya, dahilan para lumingon ako sa kaniya na nakataas ang kilay.

" Sorry about earlier. Medyo nadala lang kami."

I nodded.

Umupo siya kaharap ko kaya napatigil ako ulit sa pagkain. He was smiling at me and it is creeping me out.

Magsasalita sana siya nang narinig namin pareho ang pagtawag ni Clover sa pangalan niya. Nagkamot siya ng ulo at nagpaalam.

Nagkulong ulit ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain. Maya-maya ay may narinig akong katok mula sa pintuan ko.

"Ano?!" sigaw ko habang nakahiga ng paharap.

"Aalis ako Az! Sabihan mo sina mama na babalik ako before 9," sigaw ni Clover mula sa likod ng pinto.

I grunted. "Ikaw na lang kaya magsabi. May cellphone po ikaw!"

"Ay! Oo nga, noh?" At nagawa pa niyang tumawa. "Sige Ah, alis muna kami."

Nakarinig na lang ako ng mga yabag ng paa palayo sa kwarto ko. Ang paghaharutan nila ay hindi din nakalagpas sa mga tainga ko. Magkaharap lang kasi kami ng kwarto ni Clover kaya alam ko.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa pinaggagawa ng kapatid ko. Minsan talaga hindi talaga mapipigilan ang libido nitong kapatid kong ito.

"Ma," napatingin si mama saakin. Si papa naman ay sinulyapan ako at pinagpatuloy ang pagkain."Umalis si Clover. Sumama sa boyfriend niya. 9PM po daw siya babalik," sabi ko sabay subo sa pagkain ko.

Stealing the Heart ThiefOnde as histórias ganham vida. Descobre agora