Chapter 7

171 6 1
                                    

SEVEN
#Akin

Sinampal ko si Eros.

Everyone who saw me slapped a Cojuangco gasped in shock. Sino ba nga naman ako para sampalin ang gagong ito?

"What's happening here?"

I looked at the direction from where the voice is coming from. Lahat ng mga pinsan niya ay naka kunot ang noo.

"Why did you slapped this jerk?" mataray na tanong nitong si Fab.

"Because just like what you said, he is a jerk," I said in a matter-of-factly.

Hinawi niya ang buhok niya and she crossed her arms in front of me. "But being a jerk does not give any justice of slapping him without valid reason."

"H-he kissed me!" I said indignantly.

Mas lalong tumaas ang kilay niya.

"So?"

Nag-init ang kaloob-looban ko dahil parang ako pa ang ginagawang masama dito. Na para bang ako pa 'yung nag-iinarte dahil nahalikan ako. Jusko! Ano ako? Hindi ako katulad ng ibang babae na nagpapahalik ng kahit kanino dahil siya ay isang Cojuangco. Kahit pa sa cheeks lang 'yun!

Pumunta sa harapan naming dalawa 'yung Gabriel.

"Stop it, Fabienne. It's rude for the girls to be kissed by anyone who were raised and believes in the traditional way."

Ah. Makaluma nga ako.

"I did not say anything," she said without backing down.

It seems to me ay kung lalaki lang itong Fab ay s'ya palagi ang makakahanap ng away. Kahit kasi babae siya ay may presensya siyang nagsasabing hindi ko siya mababasta-bastang mapatumba.

I heard Gabriel sighed. "Samael, apologized."

I turned to look at Eros who's wearing a smirk on his face. Ang kapal ng mukha ng gagong 'to! Ang sarap ihambalos sa pader!

"Why should I?" Taas kilay niyang tanong habang nakangisi.

His cockiness irks the hell out of me. I am not honored to be kissed by someone na tinaguriang playboy of the century! Sa kay rami ng babaeng nahalikan niyan, madami ng germs sa systema niyang 'yan.

Tinapik siya noong nagngangalang Q. "Apologize."

Napairap si Eros at nag-iwas ng tingin.

"Pasensya," sabi nito bago umalis.

Aba! At under pa yata nitong si Q itong gagong 'to, ah. Napapayag niyang humingi ng pasensya kahit labag sa kalooban niya. With one last look ay umalis na din 'yung Fabienne at 'yung Raphael na tahimik na nakatingin sa amin.

"Pasensya ka na ha?" And with that, umalis na din si Gabriel kasabay ni Q.

Spell awkward.

Nakatingin pa rin saakin ang mga chismoso at chismosa. Iyong iba ay ngabubulung-bulungan pa. Nakarinig pa ako ng 'Ang O.A naman n'ya. Parang sa cheeks lang 'yung kiss ah.'

Naku inday! Willing akong makipagpalit ng pwesto para ikaw 'yung mahalikan ni Cojuangcong-malandi! Hindi ko na lang sila pinansin at inabangan ko na lang ang pagdating ng sasakyan ni Zade.

Nang natatanaw ko na ang sasakyan ni Zade ay bigla akong na excite. And when he reached first ay naghiyawan ang mga tao. Nangingibabaw diyan ang mga tili ng kababaihan.

Maharot. Malandi. Kekerengkeng.

Lumabas si Zade sa kotse niya. He was looking in between the crowds. When our eyes met ay awtomatikong napangisi siya. Alam ko na ang klase ng ngiti niyang 'yan. Iyan 'yung 'I won' smile niya.

Stealing the Heart ThiefWhere stories live. Discover now