Chapter 1

425 7 0
                                    

ONE

#Boyfriend

Nakaharap ako sa vanity mirror ko at nag a-apply ng pulbo at kaunting lip tint. Tinignan ko ang sarili pagkatapos at napangiti. It's a brand new semester and contrary to some, I am excited to learn than meet new friends. But that wouldn't stop me from smiling anyway.

I smiled wider as I took notice of my features in the mirror.

Always start your day with a smile, 'yan ang ginagawa ko everyday.

Kahit hindi ka maganda according to society's standard of beauty, basta palangiti ka, igaganda mo 'yan. Sabi pa nga nila, your smile can be your best asset.

And for me, that has been since always. I didn't grew up looking beautiful like my mom. Sinalo 'yun lahat ng kapatid ko when she was born. Since siya 'yung panganay, nakuha niya lahat 'yung mga magagandang genes. Buti na lang kamo at may talino pa siyang tinira sa akin.

Kinuha ko ang salamin ko sa lalagyan nito at isinuot. Pinasadahan ko ulit ang sarili sa salamin before I grabbed my books and bag at lumabas na sa aking silid.

"Clover!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan. "Alis na tayo! Ayokong ma-late sa unang araw ng klase!"

Nagmamadaling pumunta ako sa kusina at kumuha ng dalawang tinapay at nilagyan ng itlog in between tsaka kinain ito habang hinihintay ang aking napakagandang kapatid. Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng gatas tsaka ako uminom mula rito.

Malapit na akong matapos ngunit ni anino ni Clover ay wala pa rin.

"Clover!" Sigaw ko ulit ngunit wala pa ring sagot.

Patapos na akong kumain nang maisipan niyang bumaba na. I rolled my eyes at Clover as she went down the stairs na para bang naka long gown siya sa pag-iingat niyang maglakad.

Porma kung porma siya. Naka dress ito na may blazer, wedge shoes at shoulder bag. Hindi nawawala ang kolorete niya sa mukha at mga abubut sa katawan.

Hindi ko alam kung bakit naging fashionista ito nang hindi kami pinalaking maluho sa damit. Kung hindi ko lang alam, iisipin kong may nag me-maintenance ng mga luho nito na isang matandang lalaki. Maganda ang kapatid ko, at alam niya 'yun kaya ginagamit niya iyon to her advantage.

"Ano ka ba sis!" Sabi niya habang papalapit sa akin sa mesa. Sinusuklay niya ang mahaba at kulay brown niyang buhok. "Ang aga-aga sumisigaw ka na." Kumuha siya ng tasa at nilagyan ito ng mainit na tubig at pinagtimpla ang sarili ng kape.

Nginuya ko ng mabuti ang tinapay bago nagsalita. "Eh kasi naman po male-late na po tayo mahal na prinsesa," sabi ko sabay kuha ng toothbrush at nilagyan ito ng toothpaste.

"Kailangan maganda ako pag pupunta na tayo sa school, Az." Nilingon ko si Clover na sitting pretty'ng umiinom ng kape. "Alam mo naman ang social status ko, diba?" She said while raising her eyebrow.

"Bakit ba kasi importante sa'yo 'yan, Clo?" sabi ko ng matapos na akong magsipilyo. Inilagay ko ang toothbrush ko sa lagayan ng mga sipilyo at toothpaste. "I mean, hindi naman tayo ganun kayaman para makipag-contest ka sa anak luho mong mga kaibigan."

Umupo ako sa harapan niya at nakapanghalumbaba. Inip na inip na ako pero hindi ko siya magawang iwanan dahil tiyak na papagalitan ako. Noong isang beses iniwan ko si Clover, at na late pa siya, na-confiscate laptop ko.

"Anong hindi? Mayaman kaya tayo," Tumayo siya at inilapag ang pinagkainan sa sink.

Humarap siya sa akin at ngumisi. "Ako, mayaman sa kagandahan at ikaw sa katalinuhan." At humalakhak siya.

Hindi ko na siya pinansin at kinuha na lang ang bag ko. Humarap ako sa kaniya ng makarating ako sa pintuan. "Ano na Clover, aalis na ako o tayo?"

"Wait!"

Stealing the Heart ThiefWhere stories live. Discover now