Chapter 2

262 5 0
                                    

TWO

#Ecstacy

Kinabukasan ay hindi na kami sabay ni Clover pumasok sa eskwelahan dahil sinundo siya ng playboy niyang boypren sa bahay.

Buti naman at kahit paano ay hindi maarte 'yung Eros na iyon. Hindi naman kasi sobrang engrande ang bahay namin pero nakatira kami sa isang pribadong subdivision.

Pagkarating ko sa school ay same eksena lang ang naabutan ko; mga nagkukumpulang rich kids na walang paki sa kanilang pag-aaral dahil alam nilang secured sila sa pera.

Pumunta ako sa una kong klase at bahagyang napatigil sa main door. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tapos yung feeling na parang nagsitaasan ang balahibo mo at parang nanlalamig ka sa kaba dahil nakita mo yung taong gusto mo. Naka focus lang ang tingin ko sa lalake na naka-upo sa pinakadulo ng pinakadulong row. Naka-headset ito at tila ay malayo ang nilalakbay ng isip niya.

Why is he here?

Huminga muna ako ng malalim bago naupo sa pinakahuling row na malapit sa lane. Ni hindi man lang siya napalingon sa gawi ko noong umupo ako.

Kasi diba, sa ibang storya napapalingon ang lalaki tapos ngingitian siya ng babae and then next thing you know nagkapalagayan na sila ng loob.

Sad to say kapag real life rare lang ang chance mangyari iyan. Lalo na at ang lalakeng pinapantasya mo ay unreachable...kagaya ni Kafziel Spinel Cojuangco.

Naramdaman ko ang pag galaw ni Kafziel kaya napalingon ako sa kaniya. Tumayo siya at kinuha ang bag at isinabit ito sa left shoulder niya bago tuluyang lumabas sa classroom.

Great. Just great. Akala ko pa naman ay may chance na.

Pumasok na ang professor namin sa Psychology. Kasunod niya ang muling pagpasok ni Kafziel pero hindi na siya dumiretso dito sa huling row. Iniiwasan ba niya ako? Pero, bakit naman diba? Ni hindi nga siguro matandaan ng tao yung pangalan ko.

Umupo siya sa bakanteng upuan sa harapan na s'ya namang ikinilig ng mga mahaharot na babae. May nakaupo na kasi sa inupuan niya kanina.

Mabilis pa sa pagsabi ng 'hi' ang pag alis ni Kafziel sa silid-aralan. Naunahan pa nga niya si Sir Cornejo, e. Hinintay ko muna makalabas ang lahat bago ako umalis ng room. Hindi rin naman ako nagmamadali dahil may time pa bago ang next class ko.

"Yo!" Rinig kong sigaw mula sa aking likuran.

"Hoy!"

"Hoy nag-liliyab na bulaklak!"

Lumingon ako sa likuran ko kasi this time ay sigurado na ako na ako ang tinatawag mula kanina pa.

Sino ba namang impakto sa buhay ko ang tatawag ng nagliliyab na bulaklak?

"Grabe ka," sabi niya habang papalapit saakin. "Bakit ayaw mo akong pansinin?" Ngiting-ngiti siya na para bang nasiyahan siya sa paghabol sa akin.

Nagsimula akong maglakad. "Hindi kasi Yo at Hoy ang pangalan ko po."

"Eh, alam mo naman na ako 'yun, e." nakangiti niyang sabi. "Can't you recognize my voice?"

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya na nakakunot ang noo. "Aba, feeling ka rin, noh? Anong malay ko na ako 'yung tinatawag mo."

Sinundot niya ako sa tagiliran kaya sinapak ko ang kamay niya.

"Aysus... 'Wag ka na nga mag-inarte, Aze."

Natigilan siya at umaktong may napagtantong bright idea. "Na-miss mo 'ko, noh?" dagdag niya na may mapanlokong ngiti.

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya.

Stealing the Heart ThiefWhere stories live. Discover now