Chapter 5

176 7 1
                                    

FIVE

#Strip


Kahit ayaw ko man tanggapin ay nakasama namin si Eros kumain. Masaya silang nagkwekwentuhan ni Zade habang ako ay nakikinig lamang sa kanila. Tatango kung kailangan, ngingiti kapag tinignan, tatawa kapag nagpapatawa, at sasagot kung tinatanong.

Ang gwapo nilang panuorin na magpinsan. 'Yung feeling na para kang nanunuod ng isang live commercial dahil perfect silang tignan. Parang lahat ng galaw at pagsasalita nila ay tila ba gumagawa na ng eksena.

Gwapo si Eros. Lalo na kapag nakangiti. Hindi siya mukhang gumagawa ng masama. Pero dahil sa ngiting 'yan, madaming babae ang naging sawi. Kung hindi ko alam na playboy ito ay isa din siguro ako sa mga taong mahuhulog sa kanya.

Bigla siyang lumingon sa akin na s'yang kinagulat ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang kulay brown niyang mga mata. Agad akong nag-iwas ng tingin to avoid his eyes.

"Tell me honestly, magkaibigan lang ba talaga kayo? Or are you two just covering up your relationshit sa public like Korean idols to avoid negative feedbacks?" narinig kong tanong ni Eros.

Hindi ko sila tinignan bagkus ay kumuha ako ng slice ng pizza at kinain ito.

"Ano ba sa tingin mo, Eros? Tingin mo papatol ako dito? At naisipan mo pang isali ang mga Koryano."

Eto din ang hindi ko maintindihan sa mga Cojuangco. 'Yung mga pinsan nila, o di kaya ay 'yung nakakatandang kapatid nila ay hindi nila tinatawag na kuya. O di kaya ay kahit may sense of honor man lang dahil matanda sila.

Kunot noo kong nilingon si Zade na tinuturo ako with disgust in his face. Kumuha ako ng tissue at ginawa itong bola bago ko tinapon sa mukha niya.

Nakaiwas si Zade tsaka ako binelatan. Inirapan ko at nagsimulang kumain. Feeling naman niya gusto kong i-pair up sa kanya.

"Akala mo naman may papatol sa'yo," sabi ko as I took a sip from my drink.

Narinig ko ang pagtawa ni Eros. It was a light laugh pero ang manly pakinggan. Nang lingunin ko siya ay he has this amused look on his face. Inirapan ko siya bago nilingon si Jade and I as well, inirapan din.

"Alam n'yo, bagay kayong dalawa," nakangiting sabi ni Eros.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jade sabay sabing, "Eeew," and we both grimaced.

"Sige kayo, the more you repulse each other mas lalo ninyong inaatract si destiny para ipagtagpo kayo," he said, still grinning.

Napaisip ako. Zade's really not bad. Ang masasabi ko lang sa mga babaeng gusto talaga siyang makasama habang buhay ay isang malaking 'good luck'! He's a handful! Really. Ako nga bestfriend niya ay di ko keri minsan ang kagaguhan niya.

"Kilabutan ka nga, Eros." Tinuro niya ako. "This girl's scary! Kawawa magiging boyfriend niyan!"

Binatukan ko. "Aba! Kung makapagsalita akala mo pang boyfriend material!"

He smirked. "Gwapo ako. Mayaman. Matalino. What more could a girl ask for?" He said while counting with his fingers his supposed to be good qualities.

I smiled sweetly at him. Too sweet na baka pati mga langgam ay hindi maka-resist.

"Not someone like you, Cojuangcos," I said.

Eros erupted in laughter, hands clutching on his stomach. Napalingon kaming dalawa ni Zade sa gawi niya. It took him some time to manage his laughter. Parang ang dali patawanin ng isang 'to, ah. Sobrang babaw ng kaligayahan. Or baka nababaliw lang. This guy seriously needs to take his meds.

Stealing the Heart ThiefWhere stories live. Discover now