Chapter 12

75 3 0
                                    

TWELVE
#Kin Tin

Nagising ako dahil sa pag-ring ng cellphone kong nasa itaas ng side table. Gusto ko pa sanang matulog pero napapakanta na ako sa kanta ng Bigbang kaya medyo nawala ang antok ko. Kinuha ko iyon at pikit ang isang matang tinignan ang oras.

With a heavy heart, I got up at nagpuntang banyo pagkatapos kong patayin ang alarm. Gosh! Why does it have to be so early? At bakit kailangan akong isama?

Sayang iyong plano namin ni Zade na magwa-water rafting! When I offered him to come with us, ayaw din niya. Aniya baka mapagkamalan kami na mag-syota. Nakakadiri daw.

As if gusto ko. Duh.

Pagkatapos kong mag-ayos at lahat, lumabas ako sa aking kwarto dala ang isang bag na naglalaman ng mga kakailanganin ko sa pupuntahan namin.

Tumambad sa akin sa sala ang magka-hawak kamay na sina Clover at Eros, halatang kanina pa sila gising.

Lumingon si Eros sa akin at ngumiti habang nakasubsob sa leeg niya ang mukha ni Clover. Ngumiti din ako ng tipid sa kaniya.

Nag-angat ng tingin si Clover at tinaasan niya ako ng kilay kaya ginantihan ko din siya ng pagtaas ng kilay. Hinawakan niya ang pisngi ni Eros patungo sa kaniya at hinalikan.

Agad akong nag-iwas ng tingin at nagpunta sa kitchen kung nasaan si Manang Biday na nagluluto ng mga pagkain.

Umupo ako sa isang stool sa island table at nilanghap ang napakabangong amoy ng adobong manok.

Nakakagutom!

"Manang, matagal pa po ba 'yan? Gutom na ako!" Nakanguso kong tanong. Grabe. Natatakam na ako sa amoy pa lang.

Sandaling nilingon ako ni Manang na may ngiti sa labi bago tinignan ang niluluto. "Malapit na iha. Sandali na lang at matatapos ko na ito."

"Okay."

Tumayo ako at kumuha ng mga plato at kubyertos na gagamitin sa pagkain at inilagay ko iyon sa mesa. Hindi rin nagtagal ay inilagay na ni Manang ang adobong manok sa harapan ko.

Tahimik akong kumakain nang umupo si Clover at Eros sa harapan ko. Napatingin ako sa kanilang dalawa at nakasalubong ng mga mata ko ang nakataas-kilay na si Clover. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain.

Binilisan ko ang pagkain dahil naiirita ako sa landiang nagaganap sa harapan. Sa harap ko pa talaga mismo habang kumakain! Hindi ba nila naisip na pwede akong mawalan ng gana?

Nagsusubuan sila na para bang hindi nila pwede gamitin ang sariling mga kamay para makakain sila ng matiwasay. Lalo akong naiirita sa mga hindi maintindihang salita ni Clover habang bini-baby si Eros.

"Honey," I heard her cooed. Kulang na lang ang pag-eexhibition ng mga langgam sa paraan niya ng pagsasalita. "Eat this, oh. Say, ahhh."

Nagpipigil ako sa pagtawa kaya pagkatapos kong kumain ay tumayo ako at inilagay sa sink ang pinagkainan. Naglakad ako palayo sa kanila at naabutan sina Mama at Papa sa sala.

Mom wore her floral dress habang kausap si Manang. Probably mga huling habilin niya sa dalawang araw na pagkawala namin. While dad wore his polo and pants. May kausap ito sa telepono niya.

When everything was set and we are good to go, nagpunta na kami sa van at sumakay. Naka-load na din ang mga bagahe namin doon. The driver and the body guard ay nasa front seats tapos sina Mama and Papa at nasa likod kaming tatlo nina Eros at Clover. Napapagitnaan namin ni Eros si Clover.

Gusto ko sanang sabihan si Clover na hindi ko naman aagawin sa kaniya 'yang boyfriend niya. Kung makapulupot kasi dinaig pa ang Koala.

Magsama silang dalawang magsyota na mga ugaling hayop. Kung gusto nila ako pa magtawag ng zoo keeper.

Stealing the Heart ThiefWhere stories live. Discover now