Chapter 14

51 3 0
                                    

FOURTEEN
#Ligaw

"Anong ginagawa mo?" I asked, frowning.

Tumigil sandali si Eros sa pagkuha sa mga chess pieces para tignan ako.

"We are going to play chess," sabi niya habang inaayos ang mga ito sa board.

I stared at him na para bang tinubuan siya ng maraming ulo. Play? Chess? With him? What is he thinking? Akala niya ba mag BFF's kami para pumasok sa kwarto ko na hindi nagpapaalam at makikipaglaro pa ng chess sa sarili kong kwarto?

"Get out of my room." Matigas kong sabi.

Hindi niya ako sinunod. Patuloy pa rin sa pag-aarange si Eros, nagpapanggap na hindi niya ako narinig. May pasipol-sipol pa siyang nalalaman. Lalong uminit ang ulo ko sa hindi niya pagpansin sa akin. Hindi ba siya makaramdam na ayaw ko sa presensya niya?

And if someone sees us, my gosh! Hindi maganda for sure ang sasabihin nila. They might think na sinusulot ko si Eros kay Clover!

Nakatayo pa rin ako sa pintuan nang natapos niyang ayusin ang chess pieces. Ngumiti siya sa akin at nag inat.

At ano ang ibig sabihin ng pagfe-flex niya ng muscles? Is he trying to show off his muscles na pinaghirapan niya sa gym na hindi ko naman naaappreciate?

"Halika na. Laro na tayo." He said with a grin.

Tumaas ang kilay ko. "What makes you think na makikipaglaro ako sa'yo? Pinapalabas na nga kita, diba?"

I'm creeped out nang ngumisi siya sa akin na para bang mayroon siyang pinapahiwatig. Para bang may alam siya na hindi ko alam. That he has a gun pointed from my back.

"I don't think. I know." He gave me that cheshire smile, making me uncomfortable.

I shifted my stance and disguised my discomfort by raising my eyebrows even more. Hindi ko akalain na may itataas pa pala ang aking kilay. I studied Eros's full of confidence face. Tignan mo nga naman ang isang 'to, napakataas ng kumpyansa sa sarili. Akala siguro nitong bakulaw na nangingiti habang tinitignan akong nanggagalaiti sa inis na kagaya ako ng mga babae n'ya.

"I think you should leave." May finality na sabi ko.

He smirked. "Come on, it will just be one game. Afraid to lose, eh?"

Ha! Losing? Me? Afraid?

Over. My. Sexy. Body.

He was challenging me. That I am sure of. Luring me into playing with him just to let him out of my room. But I know better. He knew I like to compete. If ever I lose, it would not just be one game since I would probably ask for another round. And another. And another more.

Hindi ko alam kung ano ang motive niya. Why is he trying to reach out? I don't think he needs to. I can't help but question his friendliness towards me since we started in a very bad one.

He gave me an impression that can't be changed just because he is dating my sister. All I could see from those goofy smiles and twinkling eyes are deceit. And I don't do people like that.

But I kept my cool at napagdesisyunan na sumakay na lang sa anong gusto n'yang mangyari. Still, putting extra careful with my words.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ka makikipaglaro sa akin? Kayo na lang ni Clover."

Nagkibit siya ng balikat.

"She doesn't like playing mind boggling games."

"And you think ako, gusto ko?"

Ngumisi siya at pinagtaasan ako ng kilay. "Oo. How come there is a chess board here if you don't play one?"

Natigilan ako. Okay. He caught me there pero hindi ibig sabihin gusto kong makipaglaro kasama s'ya. At gusto ko sanang maglaro because matagal na ang huling laro ko kaso ayaw ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stealing the Heart ThiefWhere stories live. Discover now