Chapter 4

213 8 0
                                    

FOUR

#Bebot


I went to school the next day na mag-isa pa rin. Kasama ni Clover 'yung boyfriend niya papunta school. Naglalakad ako papaunta ng room ko nang may umakbay saakin. Paglingon ko, si Zade "sira-ulo" Cojuangco lang pala.

Inalis ko ang kamay niya sa pagka-akbay. Napatawa siya sa ginawa ko at hinabol ako sa paglalakad.

"Hi Ms. Sungit! Huwag ka na nga sumimangot. Ang gwapo ng katabi mo, o! Smile naman jan," he said quite cheerfully, pagkatapos binangga niya ang bewang niya sa akin kaya medyo na out of balance ako.

Gago forever.

"Ano ba, Zadkiel?!" sabi ko sabay irap.

Nanlaki ang mata niya. "Aba! Nawiwili ka na sa kasisigaw saakin, nagliliyab na bulaklak, ha! Hindi porke best friend mo ako pwede mo na ako simangutan palagi." He crossed his arms at nag-acting na nagtatampo.

Napairap na lang ako. Knowing Zade, hindi niya kaya magtampo. But I still owe him an apology.

"Sorry na, panget. Meron ako ngayon, e," sabi ko.

Ganyan kami ka open na kahit pagsabi na meron ako ngayon ay wala na sa amin.

Hindi ko maintindihan kung bakit naiirita pa rin ako. Ewan ko lang kung tatanggapin niya ang paghingi ko ng sorry. Hindi kasi lumabas na sincere 'yun.

Tumawa siya. "Okay lang. I saw that one coming."

I just nod at him. Hindi na rin niya ako kinulit.

Alam na ni Zade na kapag red days ko ay hindi talaga ako makaka-usap ng matino dahil iritable ako at palaging nagmamaldita. And he really needs to be aware kasi iba ako pag red days. All of my emotions are magnified to the nth level.

Pumunta na kami sa klase namin. Parehas kami ng course ni Zade, obviously. Hindi namin same course si Kael pero nasali lang siya sa block namin dahil hindi niya iyon nakuha sa last semester. Hindi lang pumasok si Zade sa subject kung saan kaklase namin ang kapatid niya at crush na crush kong si Kafziel. Hindi alam ni Zade na sobra pa sa nagwagwapohan ang feelings ko for Kael. Matagal na din kasi noong nabisto niya ako.

"Now, class, I want you to count 1 to 2 tapos 1 to 2 nanaman... you know the drill. Let us make 2 groups for a quick debate."

Nagkatinginan at napangisi kami ni Zade dahil sa sinabi ng professor. Magkatabi kami ngayon kaya ibig sabihin ay hindi kami magka-grupo para sa activity na ito. Dahil paborito naming ang magkompetensya sa isa't-isa ay excited na kami kung sino saamin ang mananalo.

"Ang matalo siya ang bibili ng lunch," sabi ni Zade habang naka ngisi.

Ngumisi din ako sabay sabing, "Ihanda mo na pitaka mo, boy."

Naputol ang intense glares naming sa isa't-isa dahil nagsalita muli si prof.

Tumikhim si Mr. Feniza at nginitian niya kaming lahat."Ang unang grupo ay ang affirmative side at you know the rest. Informal lang ang gagawin natin. I'll give both groups ten minutes to discuss about the topic tapos go na tayo."

Biglang nagsalita si Zade. "Ayos 'to, ah. Patagalin muna natin bago tayo magsalita, bulaklak."

Ngumisi na lang ako bilang sagot sa suggestion ni Zade. Ganoon kami pag may mga debate. Ginagawa naming panghuli ang debate naming dalawa para mayroong spice.

Unang grupo si Zade at ako sa ikalawa. Nagsimula na kaming mag-usap ng mga kagrupo ko at sila din ng mga kagrupo ni Zade.

"Okay, times up! Magsimula na ang affirmative side sa ating topic na 'love is blind'."

Stealing the Heart ThiefHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin