Chapter 6

190 7 0
                                    

SIX

#Bestfriend

Wednesday ngayon, ibig sabihin students could dress to impress. Pero para saakin, at sa ibang mga studyanteng hindi mahilig sa salitang fashion, ay simpleng tshirt at jeans lang, solve na.

"Azalea."

Tumingala ako kay Zade na nasa harapan ko.

"Sama ka saakin mamayang gabi," nakangiti nitong sabi.

Tumaas ang kilay ko. "Bakit? May plano ka na ba saakin? Nabihag ka na ba ng alindog ko? Gagahasain mo na ako?" Walang preno kong tanong habang naka poker face.

Natigilan siya sandali tsaka humalakhak ng pagkalakas-lakas. Napalingon saamin ang ilang studyante sa cafeteria. Sinamaan ko siya ng tingin para sabihin na tumahimik.

"Seryoso? Meron ka ba nun?" he said in between laughs. "Asa ka naman na magagawa kitang i-rape. Flat chested ka kaya!"

Nanlaki ang mata kong tinignan ang boobs ko. My gosh! Hindi ako flat chested! Flat chested ba 'yung naka Cup B?!

Sinapak ko siya. "Leche ka!"

Tinawanan niya ako. Aliw na aliw sa sinabing nakakabwisit ng araw. Napailing na lang ako at tinuon ang atensyon sa sinusulat kong script.

"Sorry na..." narinig kong sabi ni Zade.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagsusulat.

"Bulaklak naman, e. Sige, seryoso na."

Hindi ko pa rin siya pinansin.

"Promise."

Inilapag ko ang ballpen sa lamesa at bored na tinignan siya.

"Bilisan mo."

He grinned at me at sinabing, "Magre-race ako mamaya. Nuod ka."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Zade. Bigla akong na excite. It's not like first time n'ya ako inaya kung hindi ay first time niyang nag-aya na gusto ko na talagang makita sya makipag karera. Before kasi ay ayaw ko siyang panuorin dahil natatakot ako sa safety nya at sa race mismo.

Simula kasi noong na bring up ang topic about competing sa race three weeks ago ay nagkainteres na ako. Halos araw-araw ko na siyang kinulit na isama ako. Na-challenge din siguro niya ako. Ewan ko ba kung bakit kaming dalawa hindi nagpapatalo sa isa't-isa.

"Sama ako!" I said with enthusiasm.

"Alam ko 'yan ang sasabihin mo kaya pinag-paalam na kita kay mama."

Mama. Iyan din ang tawag ni Zade sa nanay ko. Feeling close masyado. Buti na lang at Sir pa rin ang tawag niya kay papa kung hindi ay ako ang malalagutan.

"Weh? Nasabihan mo na?" Panunuyo ko.

Ngumisi siya bago pinakita ang cellphone niyang may laman ng conversations nilang dalawa.

Hello po mama! Kamusta po? ^___^

Mama Raks: O hello Zade. Ok lang naman ako. Anong meron?

Ah kase po isasama ko mamaya si Ah-ah. Saamin na lang po siya magste-stay. Ok lang po ba? Don't worry po. Safe po sya saakin. 'Di po ako talo. Hehe

Sira ka talagang bata ka. Ok lang daw sabi ng papa niya. Ingatan mo lang sya.

Yesss! I will po. Thank you po!

Seen 11:45

Eh di WOW. Close sila.

"Naniniwala ka na?" tanong niya habang binabalik sa bag ang cellphone nito.

Stealing the Heart ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon