Chapter 13

80 3 0
                                    

THIRTEEN
#Like Me

Hindi ako kaagad naka imik. Tumawa si Renzo kaya awkward din akong nakitawa. Hindi ko tinignan si Clover dahil alam kong umuusok ang ilong niya sa inis sa akin.

"You still look adorable having that kind of reaction, Kin." He ruffled my hair and smiled at me warmly.

Ngumiti din ako sa kaniya.

Aaminin kong hanggang ngayon ay may epekto pa rin siya sa akin. Alam kong walang bahid ng malisya ang mga sinabi at mga kinikilos niya. He is a natural sweet guy. But sometimes he forgets that people tend to take him in another light... just like me.

Masasabi kong isa siya sa mga taong paasa pero hindi ko naman siya masisisi dahil natural na s'yang sweet. As in sweet siya sa lahat. Sweet din naman kasi ang parents niya. He grew up in a family where being sweet and friendly is a natural thing. At sa sobrang sweet nila magkakadiabetes ka. At masakit iyon. Dahil malubha ang epekto kapag nasugatan ka habang andoon siya sa iyong sistema.

Hugot.

Laking pasalamat ko na dumating 'yung katulong at sinabihan kami na handa na ang pananghalian namin. Sinabihan din si Renzo nina Mama na sabayan kaming kumain na s'yang pinaunlakan niya.

Naunang naglakad si Clover sa dining area. Noong lumagpas siya sa akin, tinaasan niya ako ng kilay at inirapan bago hinila si Eros. Nakatingin ako sa likuran nila nang akbayan ako ni Renzo. Tiningala ko siya at sinalubong ako ng napakagwapo niyang ngiti at sabay kaming pumunta sa hapag kainan.

Naging masigla ang pananghalian dahil sa mga kwentong binahagi ni Renzo sa pamamalagi niya sa Canada. Silang dalawa ni Clover ang salita ng salita habang kami ni Eros ay tahimik lang at nakikinig.

Minsan ay tinatanong si Eros nina Mama tungkol sa business kaya napapasalita siya. Pag hindi naman ay tahimik na kumakain lang siya. Mukhang walang interes.

I don't know ife he was faking it or not pero ako, wala talaga akong interes sa mga negosyong 'yan. Kaya nga kasundo nina mama at papa si Clover dahil s'ya lang ang may gustong matutunan ang pagnenegosyo.

"So, are you going to work here?" I heard Papa asked Renzo.

Umiling siya. "I am taking a rest, tito. 'Yung business namin sa Cagayan ang iha-handle ko."

"Your experiences in Canada will help you a lot." Nakangiting wika ni Mama.

I agree with her. Renzo is such an achiever kaya alam kong kaya niyang gawing posible ang mga mithiin niya.

He is the type who won't back down on challenges. S'ya din 'yung tipo na hindi natatakot mag take ng risk.

"That was my goal, tita."

Natapos ang pananghaliang si Renzo at Clover ang bida ng usapan. It was a usual thing if not for the presence of Eros na tahimik lang.

I wonder what is on his head. Did he get jealous? Is he killing Renzo inside his head? 'Wag naman sana. Si Clover na lang.

Pagkatapos ng lunch, napagpasyahan kong magpunta sa hammock namin. Gustong-gusto ko talaga dito kasi kaharap ko na nga ang kulay asul na karagatan, masarap pa ang simoy ng hangin. I inhaled the salty air na dumadapo sa mukha ko at napapikit. Masarap ang feeling. Nakakagaan.

When I was a kid, I used to love swimming in open waters. Apat kami, including Clover and the other friend we had na like Renzo, went to Canada. Paborito naming tambayan ang sa tabing-dagat. Halos araw-araw kami naglalaro, doing sand castle and stuffs. Nililibing din namin ang sarili namin sa buhangin and unahan kung sino ang unang makakabangon. Those were the happy days. And then something happened and changed everything. Isang pangyayari lang 'yun sa buhay namin pero napakalaki ng impact sa akin n'un.

Stealing the Heart ThiefWhere stories live. Discover now