The Poor Spoiled Brat

5.4K 40 6
                                    

"Magsi-alis nga kayo sa harap ko! Ang babaho niyo." Ako 'yan.

Ako 'yan, laging nandidiri sa mga amoy pawis at pangit. Pa'no naman kasi, ang ganda ko. Hindi bagay sa 'kin ang maki-sama sa pangit. Lahat ng kasama ko, maganda. At higit sa lahat, ayokong tumitingin sa pangit dahil ayokong mahawa.

Anyway, I'm Aryu. Astig, hindi ako sikat pero alam kong napapatingin sa'kin ang lahat ng gwapo kapag nagsuot ako ng sexy dahil sexy ako. Conservative ako syempre kaya kahit maraming gustong maging girlfriend ako, umaayaw ako dahil gusto kong mag-aral muna. Saka na 'yang boyfriend pag college. Mataas kasi ang standards ko sa lalake. Walang korean looks dito, anime looks and whatsoever na looks na gusto ko.

Highschool pa lang ako at tatlong section lang kami that's why hindi pa ako explore sa mga tao. Payo sa'kin ni tatay, kailangan maging maganda ang trabaho para magagandang tao din ang makakasalamuha. Nang sa ganun ay makakapamili ako ng lalake. Tama naman siya.

Wait! Namention ko ang "Tatay." jeepney driver lang po ang tatay ko at may ihawan kami. Malakas sila pareho kumita kaya sa private ako pumapasok. Bongga! That's why, wala akong daddy at mommy. Nanay at tatay lang.

"Anak, magbenta ka muna sa labas ng ihaw. Paypay paypayan mo lang yung mga ihaw saglit. Mag ccr lang ako." utos ni Nanay.

"Ayoko, Nay. Baka makita ako ng mga classmates ko." pag-iinarte ko.

At pag may byahe si tatay, madalas ko siyang taguan pag paparating na siya lalo't kasama ko ang mga mayayaman na classmates ko. Nahihiya kasi akong malaman nila na jeepney driver lang si tatay at ayoko ding malaman nila na ihawan lang ang negosyo namin.

One time, nagkasakit si nanay at hindi siya nagtinda ng ihaw. Nasiraan si tatay at pang tuition lang ang nabayaran niya.

"Nay, pengeng baon."

"Anak, pwede na ba sa'yo ang trenta pesos?"

"Nay naman. Kulang 'yan."

"Dalawang araw na akong hindi nagtitinda at ang perang naipon ng tatay mo ay pinangbayad sa matrikula."

Wala akong nagawa dahil ayokong umabsent nang dahil lang sa walang baon.

"Guys, mall tayo." yaya ng isang kaklase ko.

"Uuwi na ako." Tanggi ko.

"Ang KJ mo naman Aryu eh." hindi ko lang masabi na wala na akong pera.

Pag-uwi ko ay ganun na naman. Walang tinda si nanay kaya naiinis na ako. Nilabas ko ang ihawan namin dahil pag hindi ako kumilos, wala akong pera.

Inis na inis ako nung una dahil kahit marunong akong mag-ihaw, ang init at nakakangalay magpaypay.

"Hi Aryu." bati ni Pergie. Yung hindi ko pinapansin dahil hindi siya mukhang mayaman.

Laging mumurahin ang damit at tambay sa computer shop. Sinimangutan ko lang siya.

Dahil hindi naman madalas sa lugar namin ang mga classmates ko ay hindi nila ako nabuking na nag-iihaw ako. Ayokong malaman nila dahil nahihiya ako.

3 days na akong nag-iihaw at marami ang natutuwa sa'kin. Hindi daw ako palamon lang at matulungin ako. May saya na umusbong sa puso ko at isa pa sa kinasaya ko, mas lumaki ang pera na binabaon ko. Nang araw na 'yun ay nag pacheck-up si nanay. Bawal na sa kaniya ang mainit ngayon kaya bawal na siyang mag-ihaw.

So, lahat ng pinapamalengke ni tatay ay ako na ang nag-iihaw hanggang sa umabot ng isang buwan.

"Pasensya ka na anak ah. Hayaan mo, sa'yo naman lahat ng kita natin dahil tatay mo ang bahala sa'kin." malungkot pero nakangiti na sabi ni nanay.

One Shots CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon