Anak Ko, Pumatol Sa Asawa Ko

17.5K 35 1
                                    

Itong kwento na ito ang hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. Medyo kakatuwa sa iba pero seryoso sa pagitan namin ng aking ina. Nag-iisa akong anak at ang mama ko ay inawan ng papa ko kaya hindi ko na nakita pa ang ama ko hanggang ngayon. 18 years old na ako at nakapagpundar ang mama ko ng water station. Apat na taon na itong negosyo namin kaya nakakapag aral ako ngayon.


"Kailangan natin ng bagong driver dahil aalis na ang kuya Elmer mo para mag abroad." Sabi sa'kin ni mama.


"Sayang naman." Panghihinayang ko dahil mabait si kuya Elmer. Sayang lang kasi may asawa't anak na siya. Pwede sana siyang maging ama ko kung sakali. Ganiyan ko siya inilalarawan bilang lalaki. Bata pa naman si mama. 36 lang siya. Iniwan siya noong 18 pa lang siya kaya dalaga na ako at parang magkapatid lang kami dahil bata tignan ang mama ko.


Kinabukasan dumating ang isang bagong driver. Ang bata niya. 28 lang siya tapos matangkad pa. Hindi malayong player ito ng basketball. Tinanggap agad siya ni mama. Gusto ko sana 'yung medyo may edad na para kay mama kung sakali tapos binata pero ngayon parang ako yata ang magkaka-interes sa kaniya.


May dalawa pa kaming empleyado bukod sa driver na sila ang nag-aasikaso sa water station at si mama naman madalas na kasama ng driver para makausap ang mga suki at bagong suki. Mabenta ang negosyo namin kaya nakapag aral ako ngayon.


Medyo natutuwa ako sa bagong driver namin. Nagpakilala siyang Jestoni. Binata siya at mabait. Higit sa lahat, gwapo pa. Hindi malayong magwapuhan din si mama sa kaniya at bagay kami kung tutuusin kaya baka bumoto si mama sa kaniya.


"Kamusta school?" Tanong niya nang minsan' naka-uniform pa ako nang pumunta sa water station. Kadalasan ko naman itong ginagawa.


"Okay naman." Nginitian ko siya.


Hindi na ako nagtaka sa pinapakita niya sa'kin dahil marami ding lalaki ang naging manliligaw ko ngayon. Palibhasa wala akong ama na strikto, highschool pa lang ako marami na akong naging boyfriend na laging nauuwi sa hiwalayan matapos humantong sa kama. Kaya hindi na bago sa'kin ang ugali ng mga lalaki. Alam kong kahit konti ay may pagnanasa sa'kin itong si Jestoni pero dipende kung sino siya talaga. Sa nakikita ko, mabait siya at hindi basta basta manliligaw dahil tauhan lang namin siya. 


"Andiyan ba si mama?" Tanong ko. Medyo pormal lang ang tinginan namin. Pero hindi siya nahihiya sa'kin at 'yun naman ang gusto ko. 'Yung hindi siya mailang.


"Namalengke lang. Kakaalis lang kasi katatapos lang namin magdeliver."


"Sana sinamahan mo."


"Ginamit 'yung motor. Konti lang naman daw bibilhin niya. Ulam lang sa gabi."


"Ah okay."


Ganiyan lang kami sa una pero nang tumagal, sumasama na ako para magdeliver kapag walang pasok. Hindi ko ito ginagawa dati pero payag naman si mama para makapagpahinga siya.


"Diyan na yata 'yun." Sabi ko dahil may nakita akong bahay na pagdadalhan namin ng tubig. Tumigil ang sasakyan at binuksan ko agad ang pinto para bumaba.

One Shots CollectionWhere stories live. Discover now