I Love You Bestfriend

8.5K 42 12
                                    

Ako nga pala si Gandie. Bata pa lang kami ni Donirey ay lagi na kami magkasama. Masaya siyang kasama ako at ganun din ako sa kaniya. Lahat ng laruan ko ay pinapahiram ko sa kaniya at ganun din naman siya sa'kin.

"Alam mo, Gandie. Napakasaya ko pag ikaw ang kasama ko." Sabi sa'kin ni Donirey.

"Ganun din naman ako sa'yo." Sagot ko sa kaniya.

Tumagal ng tumagal at dumating ang araw ng pareho na kaming binata. Madalas ako tuksuhin ng mga classmate ko na bakla pero lagi akong pinagtatanggol ni Donirey. Masaya kami pag lagi kaming magkasama at nagpaso pa kami ng sigarilyo sa kamay. Tanda nang wala kaming iwanan sa hirap at ginhawa.

Unti unti nagbago ang pagtingin ko sa kaniya mula nung araw na magkaroon siya ng girlfriend.

"Sumama ka naman sa'min minsan. Namamasyal kami lagi." Sabi sa'kin ni Donirey pero tinanggihan ko siya.

Napansin niya na lumalayo ako sa kaniya unti unti kaya minabuti niyang iwan ang girlfriend niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Oo inaamin ko I'm a gay at hindi ko kinakahiya 'yan. Ngunit nagulat siya ng ipagtapat ko sa kaniya na gay ako.

Sa una ay nalungkot siya pero sa huli ay hindi niya ko matiis at tinuring niya akong bestfriend. Mahal niya ko bilang kaibigang lalake pero mahal ko siya, bilang isang lalake.

Hanggang nag college kami at lantaran na ang pagiging bakla ko sa tao. Tanggap narin ng mga magulang ko kung ano ako kaya pinag aral parin nila ako. Masaya akong laging kasama si Donirey hanggang sa nagtangka akong hawakan siya dahil hindi ko na talaga matiis ang nararamdaman ko.

May trabaho ako kahit pumapasok ako pero hindi ko naranasang pumatol sa ibang lalake dahil kay Donirey. Mahal ko siya at kahit ayaw niya sa bakla ay hindi ako nawawalan ng pag asa na minsan ay mamahalin niya rin ako.

"Gandie, I'm sorry. Pero sana makahanap ka ng magmamahal sa'yo. Masaya akong kasama ka pero hindi ko kayang mahalin ka dahil pareho tayong lalake." Yan ang sabi sa'kin ni Donirey nang ipagtapat ko sa kaniya na mahal ko siya. Umiwas siya sa'kin kaya parang nagsisi pa ako sa ginawa ko. Kung alam ko lang sana hindi ko na lang siya tinapat.

Araw araw akong malungkot pero hindi ako sumuko. Pinangako kong balang araw ay aangkinin ako ni Donirey na parang isang babae.

Nang makatapos ako ng college ay nagpunta ako ng ibang bansa dahil mas malaki ang kita. Kahit nakikipag sapalaran ako sa ibang bansa ay hindi ko maiwasang maisip si Donirey. Siya ang unang nagpatibok ng puso ko kaya ganun na lang ang pag asa ko na pag uwi ko ng Pilipinas ay ganap na akong babae.

Mabilis na lumipas ang panahon.. nakapag ipon ako at nakapag pundar ng negosyo. Inumpisahan kong tuparin ang pangarap kong maging babae at mahalin kahit isang gabi man lamang ni Donirey. Mas maraming mas angat kay Donirey pero siya parin ang laman ng puso ko kahit limang taon na kaming hindi nagkikita.

Dumating na ang pinakahihintay ko. Ibang iba na ako ngayon.. isa na akong ganap na babae paglipas pa ng isang taon. Nabalitaan ko na may asawa't anak na si Donirey pero siya parin ang nag iisa dito sa puso ko. Bestfriend ko siya mula pa nung mga totoy pa kami kaya tingin ko ay kahit sino ay hindi ako kayang sisihin..

Bumaba ako ng kotse at tinanaw ang dating lugar na tinitirhan ko. Marami na ang nagbago. "Ikaw ba yan, Gandie?!" Sabi nang isang kaibigan ko na nagpunta sa bahay.

"Oo ako nga!" Sagot ko at ngumiti.

Sinadya ko yun para makarating kay Donirey ang balita. Isang beses ay nagpunta ako sa dati naming tambayan na ngayon ay isa nang palengke. "Gandie!" isang boses na kilala ko kung sino. Si Donirey ang tumawag sa'kin.

"How are you my bestfriend? I'm glad because it's been 6 years. And finally we've met again" Sabi ko tapos tinanggal ko ang shades ko.

Napakahaba ng buhok ko. Mas maganda pa ko sa asawa ni Donirey pero I think hindi parin niya ako kayang mahalin.

"Ibang iba ka na ngayon Gandie." Paghanga ni Donirey. Gulat na gulat siya sa itsura ko.

Nag-usap kami nang matagal at talagang namiss ko siya. Oo mas marami pang mas gwapo sa kaniya pero talagang siya parin ang mahal ko kaya espesyal parin siya.

Ilang araw ang lumipas ng nangailangan ng tulong si Donirey dahil kailangan niya ng pera. Hindi naman siya hikahos sa pera pero gusto niyang ipaghanda ang anak niya ng engrande kaya nag-bakasakali siya sa'kin. "Sure!! I may help you, I can support what your daughter's need in her birthday!" sabi ko at nakita kong masaya siya pero pagtapos ay lumapit ako sa kaniya. Hindi siya tumutol sa kahit anong gawin ko sa kaniya. Maaaring alam na niya ang ibig kong ipahiwatig.

Nagpaubaya siya sa'kin magdamag kaya sobrang saya ko talaga dahil ang pangarap kong imposible ay naging posible ngayong gabi na ito. Kahit walang mangyari sa'min ay talagang nakahanda akong tumulong sa kaniya kahit anong oras pero pinagbigyan niya ang matagal ko nang hiling. "I love you bestfriend." Bulong ko sa kaniya. ngumiti lang siya sa'kin. Mukha na kasi akong babae kaya siguro nagpaubaya siya.

Dumating ang araw ng Birthday ng anak niya kaya nakilala ko ang asawa niya. Alam na pala niya ang tungkol sa'min ni Donirey mula pa nung bata pa kami. Ayaw niyang magtaksil uli sa asawa niya dahil sa ugali ni Donirey ay hindi malayong tapat parin siya kahit papaano. Marami namang lalaki diyan kaya natuwa ako't hindi siya nagbago. Hindi na naulit ang saya na punatikim sa'kin ni Donirey pero kapag walang wala siya ay nakahanda parin ako tumulong sa kaniya. That's the real meaning Of unconditional love. You're getting happy to help your love ones even no commutation awaits.

End

One Shots CollectionWhere stories live. Discover now