Bad Guy

5.4K 40 6
                                    

"Hoy! Mag si-tabi muna kayo! Dadaan ang prinsesa!" sabi ng boyfriend ko sa mga classmate namin.

Badboy kasi siya. Sabi nila, 'wag ka daw mag mahal ng isang badboy dahil may chance kang masaktan. Badboy nga kasi di ba? Pero sinagot ko si Rocky kasi gwapo siya. Ang sarap niyang titigan sa kabila nang madalas niyang murahin ng talikuran ang mga Teacher na ayaw niya.

Gwapo siya kaya maraming nagkakagusto sa kaniya. Isa na nga ako dun pero hindi ko talaga siya gustong maging boyfriend noong una. Dumating lang sa punto na nung nanligaw siya sa'kin, naisip ko na napakaswerte ko.

Bakit?

Una sa lahat, sa dinami-dami ng mga nagkakagusto sa kaniya, ako ang napili niya. Wala siyang pinag-iba sa isang Casanova pero nararamdaman kong gusto niya ako at alam kong sa pagkakataon na ito ay pagkakamaling lokohin niya ako.

Pangalawa ay 'yung pagiging badboy image niya ang nagdala ng magandang relasyon namin. Sa sobrang sikat niya sa mga babae, kahit maraming pinapangarap na maging boyfriend siya, hindi 'yun naging hadlang para marami akong maging kaaway.

Sa totoo lang, mas dumami ang naging ka-close kong babae mula nang maging kami ni Rocky. Puro kasi sila papansin at halata ko 'yun. Para mapansin sila ni Rocky, ginagamit nila ako at syempre para sa kanila, ako ang pinaka-swerte. Marami pang dahilan kung bakit ko siya napili. Sabagay, pareho lang naman kami. Marami akong manliligaw at siya ang napili ko. Maybe sikat din siya.

Wala naman akong masabi sa kaniya, sa kabila nang pagiging tarantado niya ay takot siya sa'kin.

"Hoy kayo! Pag tatadyakan ko mga mukha niyo, nakita niyong may ginagawa si Emerald ang iingay niyo." one time sabi niya ng may sinusulat ako. Dahil katabi ko siya ay pinapaypayan niya ako.

Anyway, Ako nga pala si Emerald. Grade 10. Graduating na ako at may boyfriend nga pala akong isang badboy na si Rocky. Pina-alam ko sa mommy ko na may boyfriend ako. Ipakilala ko daw sa kanila kaya agad ko namang sinabi kay Rocky.

"Wag muna ngayon. Baka hindi pa sila boto sa'kin, maghiwalay na agad tayo." sabi sa'kin ni Rocky nang ipaalam ko.

Gusto ko kasing maging legal kami. Kahit badboy si Rocky kasi, hindi siya ganun sa'kin. Iba ang pakiki-tungo niya sa'kin pero hindi siya nagbago sa iba. One time muntik na siyang makipag-away sa taong hindi namin kilala. Mintik na kasi akong mabangga ng motor kaya minura niya ang lalaki. Buti na lang at kahit papaano, takot siya sa'kin kaya pag ako na ang unawat sa kaniya ay titigil na siya.

Ganiyan siya ka protective sa'kin. Niyaya niya akong mag sex kami pero hindi ako pumayag. Oo mahal ko siya pero hindi ako manghihinayang na mawala siya. Kung sex ang dahilan kaya niya ako niligawan. Goodbye na sa kaniya. Hindi ako tanga para ibigay ang sarili ko tapos hihiwalayan niya ako dahil nakuha na niya ang gusto niya. Hindi ko naman siya inaway pero ang malimit kong sabihin sa kaniya, "Dadating tayo diyan." Sa tuwing niyayaya niya ako.

Minsan kasi pag walang pasok ay nagkikita kami at dinadala niya ako sa kwarto niya. Pwede naman niya akong halikan at hawakan kung saang parte ng katawan ko kung gusto niya. Basta 'wag lang ang sex.

Tumagal pa ang relasyon namin hanggang graduation, dun ko naramdaman na totoong mahal niya ako dahil pumayag na siyang ipakilala ko siya. Iyon nga lang, hindi siya marunong sumagot sa mga tanong sa kaniya na parang interview sa pag-aapply. Sa maka-tuwid, hindi boto sa kaniya si mommy. Maangas kasi siya magsalita at ayaw na ayaw ni mommy sa mga ganun. Hindi naman kami naghiwalay kahit hiniling sa'kin ni mommy na hiwalayan ko na si Rocky. Napatunayan ko kasi na mahal niya ako. Kahit maraming babae na gusto siyang makasex, hindi hadlang 'yun para hiwalayan niya ako. Nakukuntento siya sa kiss at pahawak hawak lang. Ayoko kasi. Duda kasi ako kahit mahal ko siya. Hindi siya ang lalaki na para sa'kin. I know hindi siya ang lalake na dapat maka-una sa'kin. Dapat ay ang lalaking karapat-dapat na maging asawa ko at alam kong hindi si Rocky 'yun. Dadating ang araw na hihiwalayan ko siya dahil ibang tao na ang makakasalamuha ko. Hindi na ako bagay kay Rocky.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shots CollectionWhere stories live. Discover now