My Faithful Husband

5.8K 35 5
                                    

Ako si Layla. Tumaba na ako matapos kong mag-asawa. Nakakainis talaga. Pati pakiramdam ko nag-iba na. Hindi na ako pwede sa hindi aircon tapos gusto ko pa ang tahimik na lugar. Nasa Manila ako ngayon at pauwi ako ng Laguna. I need taxi. Ayoko ng bus. Di bali nang mahal, basta maginhawa ang byahe ko. Hiwalay ako sa asawa dahil gwapo ang asawa ko.

Dahil gwapo at marami talagang nagkakagusto sa kaniya. Highschool pa lang kami ay sikat na siya. Sabagay, pareho lang naman kami dahil sexy at maganda ako. So, kami ang nagkatuluyan dahil naging boyfriend ko siya. Sa'kin talaga ang bagsak niya sa huli dahil ako lang ang katapat niya but unfortunately, tumaba na ako kaya ano pa ba ang mangyayari. Unfair na dahil pangit na ako sa paningin niya. Kaysa iwan na niya ako. Humiwalay na ako ng kusa. Inunahan ko na siya para mabawasan pa ang sakit. Nangbababae na yata siya ngayon. Anyway, ilang buwan pa lang ang lumilipas. Unfair talaga. Napaka-unfair. Hindi ko naman kasalanan na tumaba 'di ba? Lagi kaming nag-aaway kaya alam kong sa hiwalayan na ang bagsak namin.

Pumara ako ng taxi.

"Saan po kayo?"

"Sa Laguna po."

"Ang layo."

"Sige, magbabayad ako kahit magkano, ihatid mo lang ako."

So, hinatid niya ako. Nakakainis kasi, malayo na nga ang byahe. Traffic pa.

"Kainis na traffic 'to." sabi ni mamang driver.

"Oo nga eh. Hindi na ba masosolusyonan 'yan?"

Need talaga namin' magkwentuhan. Traffic na, malayo pa. Baka mapanis ang laway namin.

"Hindi na 'yan. Habang buhay na 'yan."

"Ganun po?"

"Oo kasi sobrang dami na ng sasakyan. Kahit anong ayos ang gawin nila, traffic parin."

"Dapat kasi gumawa ng kalsada. Puro kasi sila corrupt."

"Isa 'yan sa dahilan. Maraming dahilan kung bakit hindi mawala-wala ang traffic dito."

"Ano-ano naman po?"

"Sobrang dami ng naghahanap buhay sa daan. Jeep, taxi at kung ano ano pa. Sa tingin mo ba, kaya nilang bawasan ang mga nagtatrabaho sa daan? Eh sila mismo hindi nila alam kung paano bibigyan ng trabaho ang mga pinoy."

"Sabagay, sa ibang bansa kasi, hindi ganito kadami ang mga namamasada."

"Oo kasi ang mga bata pa nang konte, may pwedeng mapasukang trabaho. Isa pa.."

"Ano 'yun?"

"Sa ibang bansa ang mga lumang sasakyan, tinatapon na pero dito, hindi. Kaya 'yung mga mayayaman na bumibili ng bagong sasakyan. Matapos nilang itapon ang luma, dito naman dumadagdag pa. Ganoon kahirap ang Pinoy. At ang mga nag-aabroad, kinukuha nila 'yung lumang gamit ng mga amo nila, dinadala nila dito. Parang ganun lang. Tapos hindi pa kayang paunladin ng Presidente ang bansa sa loob lang ng anim na taon dahil napaka-iksi."

"Oo nga eh. Over populated na tayo. Over populated na din sa sasakyan but I know sa ibang bansa kasi may policy sila na pag walang garahe, hindi pwedeng bumili ng sasakyan."

"Oo tama ka. Pero sa atin, pwede. Kaya hindi lang dito sa kalsada ang traffic, maging sa mga maliliit na kalsada. Wala kasi silang garahe kaya nagkalat ang sasakyan sa daan. At sa totoo lang, hindi overpopulated ang pinas. Metro Manila ang over populated."

Napatango ako sa sinabi niya. "But alam ko, kahit isang termino lang ang Presidente, basta walang corrupt, aasenso ang bansa."

"Kaya isang termino lang ang Presidente, kasi ayaw nilang magkaroon ng taong makapangyarihan. Once na nagustuhan ng tao ang isang Presidente, iboboto't iboboto ito. Magiging makapangyarihan ang isang Presidente na kinakatakot ng iba. Ayaw kasi nilang papalamang sa pera." Umiling-iling si mamang driver.

One Shots CollectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora