Retoke

11.6K 59 5
                                    

Ako si Princess, masasabi ko na kung hindi ako pango ay maganda ako, matangkad at sexy.

Crush ko si Danilo, pero natural na sa mga babae ang magkakacrush sa kaniya. Lagi niya akong inaasar kasi nga pango ako.

"Danilo, asan na ang notebook ko?" tanong ng classmate ko na hineraman niya.

"Hindi pa ako tapos." sagot niya.

"Isoli mo mamaya ah."

Hindi sumagot si Danilo.

"Hoy Danilo, isoli mo ah!!" Sabi uli ni classmate dahil ayaw sumagot ni Danilo.

"Hindi mo ba nakikita? Oo daw sabi ng ilong ni Princess."

Nagtawanan ang lahat. Ganiyan ako asarin ni Danilo pero mabait yan. Hanga ako sa kaniya dahil nakikita ko sa kaniya ang kabilang side ng ugali niya na gentleman siya. Pagnakikita niya na nahihirapan ang babae ay tinutulungan niya. Kahit pa ang isa naming classmate na pandak at pangit. Magalang din siya sa teacher.

Minsan nakita niya akong naglalakad. Nakakahiya dahil wala akong pera, ayoko sanang makita niya ako pero nakita niya ako.

"Ilong!!" Tawag niya. Lumingon ako at nakasakay siya sa motor. "Hatid na kita."

"Wag na, Danilo." Nahihiyang kinikilig ako.

Hinila niya yung bag ko at inilapit niya ako sa kaniya.

"Sakay na!"

Wala na akong nagawa.

'Yan si Danilo, malakas mang asar sa mga pangit pero mabait naman. Minsan ginagamit niya ang kagwapuhan niya para igawa ko siya ng homework.

But unfortunately, ang tawag niya sa'kin ay "Ilong."

May subject kami na katabi ko siya at lagi niya akong inaasar.

"Bagay tayo, Princess. Kaso nga lang ikaw ang girl version ni Beast at ako si Bell !" Nagtatawanan sila. Sira talaga.

Sanay na ako kaya pinapalo ko na lang siya sa balikat. Kesa mapikon ako, baka lalo lang niya akong 'di pansinin. Laging nagkakadikit ang katawan namin at ayoko naman na iwasan niya ako dahil pinahinto ko siya sa personal na pang-aasar niya.

"Hayaan mo, Princess. Pag yumaman ka, mag paretoke ka para mapanindigan mo na ang pagiging Princess mo."

Minsan napapa-isip ako, bakit ganito ang ilong ko? Kaya magsisikap ako sa buhay. Nagka idea ako sa kaniya na magparetoke. Pwedeng hindi ko na gawin dahil Diyos ang lumikha sa atin pero tao lang ako na nagsasawang asarin. Hindi kasi malayong patago akong asarin ng mga tao pagtanda ko.

Isang araw tinititigan niya ako ni Danilo. Tumingin siya sa'kin mula ulo hanggang paa. Daig ko pa kasi ang magaganda kung katawan lang ang pag-uusapan. May nanliligaw din sa akin pero hindi ko naman gusto.

"Virgin ka pa?" hindi ko inaasahan na tanong niya. Malakas ang confident niya dahil gwapo siya. Wala na siguro siyang paki kung magalit ako sa tanong niya.

"Oo naman!" Kampante kong sagot. Ayokong isipin niyang hindi na.

Walang tao sa room at nagkataon na kami lang. Hinipo niya ang balikat ko dahil naka sando lang ako noon. Napatigil ako sa hindi ko maintindihang pakiramdam.

"Gusto mo bang maranasan na mahalin ko?" Bulong niya mula sa likod ko.

"I-ikaw talaga, Danilo." Lumayo ako. "Wag mo akong pagtripan."

"Seryoso ako, Princess." Sinundan niya ako.

Alam ko na ang pakay niya sa'kin. Gusto niyang kunin ang virginity ko. Ayoko sana pero bakit naiisip ko na kung may lalaking makakauna sa'kin mas maigi na yung katulad niya. Wala naman kasing papatol sa'kin na tulad ni Danilo. Alam kong mahilig si Danilo sa sexy kaya kahit alam kong viginity ko lang ang hanap niya ay pumayag ako sa pabirong paraan. I know hindi pa katapusan ng mundo dahil alam ko ang ginagawa ko.

One Shots CollectionWhere stories live. Discover now