Torpedo

5.5K 11 2
                                    

Ako nga pala si Edwin. Ikukwento ko ang masakit pero masayang karanasan ko. Bata pa lang ako nakilala ko na si Annett. Ka-schoolmate ko siya mula grade 1 hanggang grade 10. Dalawang school ang pinasukan namin, pareho kami ng school mula Elementary hanggang Junior High. Malapit lang sa amin ang bahay niya. Kalaro ko siya noong bata pa ako at normal lang naman siguro na lumaki kaming magkaibigan dahil nga hindi magkalayo ang mga bahay namin. Habang tumatagal, nagdadalaga siya at nagbabago ng mga katropa. Kaya din siguro lumayo kami sa isa't isa.

Pero pinagbuklod kami ng tadhana dahil nauso ang internet. Saka ko naisip na hindi siya nagbago. Close parin kami. Nagchatchat, nagtetext hanggang mapalapit kami sa isa't isa. 'Di nagtagal, lagi na kaming tumatambay sa tapat ng bahay nila nang kami lang. Kahit na hindi ako ganoon kapogi at maganda siya, hindi maiwasan na isipin ng iba pa naming kaibigan na kami na. Parang musika sa pandinig ko dahil gusto ko siya. Hindi naman imposible na magustuhan ko siya pero hindi ko sinasabi sa kaniya. Todo tanggi kami sa tuwing tinutukso kami at kalimitan sa mga manliligaw niya ay hinaharang ko. Ayaw ko siyang magkaboyfriend. Tumagal ang pagiging malapit namin hanggang grade 10. Sabihan kami ng problema, mga assignment nagtutulungan kami at halos lahat walang lihim sa amin.

Para sa aking opinyon, mabait lang si Annett kaya hindi niya ako nilalayuan. Oo mabait siya sa lahat pero naisip kong swerte ako kasi ako ang tinuturing niyang matalik na kaibigan na nakakaangat sa iba. Sabihin na nating hindi siya mapili sa kaibigan dahil hindi naman ako gwapo pero sa akin parin siya malapit.

Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko maawat ang lalaking nagpatibok ng puso niya. May bago siyang manliligaw na bagay na bagay sila. Gusto ko siyang isumbong sa magulang niya dahil nagseselos ako pero hindi ko ginawa. Ayokong maging makasarili.

Hindi ako makatulog dahil dati rati'y kinukulit niya akong magchat sa kaniya pero ngayon hindi na. Naiinis pa nga ako dahil inaantok na ako pero ayaw niya akong patulugin. Wala daw siyang magawa. Pero ngayon nagbago ang lahat. Pumupunta parin ako sa kanila at walang nagbago. Pero nasasaktan ako dahil alam kong gusto din niya ang manliligaw niya. Naniniwala akong hindi ako ang dahilan kung bakit hindi siya nagkakaroon ng boyfriend dahil ngayon ay hindi ko siya maawat. Tanging masasabi ko na lang ay mag-ingat baka masaktan.

Hanggang sa nakita ko na lang na magkahawak sila ng kamay. Mas nauna ko pang malaman na sila na kesa aminin niya. Nagpunta ako sa kanila. Inamin na nga niyang sila na.

Ayokong ipahalata pero sobrang sakit. Noong una ay pinagpapaalam ko siya kapag may practice o gagawa ng project. Kalimitan pa puro tambay lang ginagawa namin matapos ang mga activities. Pero ngayon, pinagpapaalam ko siya para makasama niya nang matagal ang boyfriend niya. Sobrang sakit dahil hindi ko na siya nakakasama sa mga pagtambay kapag nasa labas ng school.

Dati ay nasa labas na siya kapag pumupunta ako pero ngayon, nasa loob at tatawagin ko pa. Sasabihin niyang kachat niya ang boyfriend niya o papaalisin na niya ako dahil mag-uusap sila. Huwag daw ako maingay sa mama niya.

Wala akong magawa. Nasasaktan ako. Hindi ko na mapigil ang sarili ko kaya pinagtapat ko na sa kaniya ang lahat. Nagulat siya sa sinabi ko at sinabi din niya sa akin ang pinakamasakit na parte ng kwentong ito.

"Ayokong saktan ka pero maraming salamat dahil hindi mo sinabing may gusto ka sa akin. I'm sorry kasi nagkagusto din ako sa'yo at akala ko nga magiging tayo pero unfair sa boyfriend ko kung sisisihin kita dahil hindi mo sinabi sa akin. Gusto kong ipagpasalamat 'yun dahil hindi ko makikilala ang boyfriend ko kung sinabi mo agad. Mahal na mahal ko siya. Ibibigay ko ang lahat sa kaniya."

Halos sumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Mas ikinasaya pa pala niya ang hindi ko pag-amin o pangliligaw sa kaniya. Inamin ko man sa kaniya na masakit sa akin, paghingi ng pasensya lang ang naibigay niyang kapalit.

Walang nanloko pero merong nasaktan. Walang umamin sa amin pero merong nandaya ng damdamin. Sising sisi ako sa lahat. Sana pala inamin ko na para hindi ako nasaktan. Pero tapos na. Nangyari na. Hindi ko kasi naisip na pwede pala siyang magkagusto sa akin ang kaso natatakot akong aminin.

Hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito na matatalo din pala ako sana sumugal na ako noon pa.

One Shots CollectionWhere stories live. Discover now