Destiny

28.6K 121 11
                                    

Bakit ba ang hirap maka move on? Ito ay dahil wala naman talagang gamot diyan.

Ako nga pala si Yuna. 27 years old. Pangarap kong makapunta sa ibang bansa. Pero hindi natupad dahil naghiwalay kami ng asawa ko. 'Yung pangalawang asawa ng ex ko ang sinama niya sa ibang bansa. 5 years na kaming hiwalay. Saklap no? Tapos siya pa 'yung may kasalanan ng paghihiwalay namin. Mula 4th year high school ay kami na hanggang sa magkaanak kami. 20 years old ako nung magkaananak kami. Tapos nun ay napamahal na siya ng iba. Wala akong nakikitang dahilan. Iisa lang.

Nagkagusto sa kaniya 'yung kasamahan niyang babae. Mas maganda sa'kin. Inaamin ko naman 'yun. Kaso syempre tao din lang akong nasasaktan. Almost 4 years kaming mag on bago ako nabuntis tapos 2 years pa lang kaming mag asawa. Hiniwalayan na niya ako. Sino ba ang hindi masasaktan? Oo gwapo siya at lugi talaga siya sa'kin. Normal lang naman kasi ang itsura ko. At higit sa lahat, 'Yung pangarap kong maka-abroad ay tinupad ng asawa ko sa iba. Nawalan na ako ng gana dahil pangako pa naman niya sa akin 'yun.

What can I say? What can I do? They both in love. So, nauwi din naman sila at nakikipagkita sa anak namin. Skype ganun. Facebook chat. 2 years bago ako nakarecover dahil natutunan ko na siyang kausapin. Friends kami ngayon. Hindi ako pwedeng magalit sa kaniya nang habang buhay dahil kahit patayin ko silang mag asawa ay wala ding mangyayari. Ayoko naman siyang ipakulong nung time na nangaliwa siya. Kawawa ang anak kong magkakaroon ng ama na nakulong na. Walang choice kundi lasapin ang kabiguan.

So hindi pa ko nag aasawa. Ang gusto ko kasi ay 'yung gwapo din like my ex. Pero next year pag wala pa akong nakita na mas gwapo o kasing gwapo niya. Baka mag asawa na rin ako. May mga manliligaw din ako at hindi nawawalan.. Hot mommy kasi ako. Sexy dahil sa advice ng iilang kaibigan ay hindi ko pinabayaan ang sarili ko. Sa totoo lang, mas may puson pa sakin ang asawa ng ex ko. Well... Wala na sa usapan 'yun dahil masaya sila at mas maganda siya sa'kin.

Maybe naisip ng asawa ko na hindi ako ang babae para sa kaniya at nagising na siya sa katotohanan na marami pang mas maganda sa'kin na mag mamahal sa kaniya. Mas deserve ika nga. Ang pangit lang kasi sa paghihiwalay namin ay alam nung girl na may asawa ang ex ko. 'Di ba? Nang agaw o nailigtas niya ang asawa ko? Sa ngayon lagi akong naiimbitahan sa bahay ng byenan ko. 2 years din silang nag sorry sa'kin dahil sa ginawa ng anak nila. So what should I do? Hindi naman ako tulad ng iba na wala nang paki sa lahat. Bahala na sila kung iisipin nila na mahal ko pa ang ex ko kaya may communication pa ko sa family niya.

Hanggang ngayon naaalala ko pa ang una naming pagkikita. Sabi ng friend ko, kailangan ko na talagang mag mahal.. How? Ang hirap kaya. Pero susundin ko na sila. Hindi na ako bumabata.

Dito magsisimula ang panibago kong buhay.

Nasa grocery ako this time at nag hahanap ng mga bibilhin. May isang lalaki akong nasalubong. May daladalang basket na pinamili niya. Hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya at huli na para makaiwas ako kaya nagtalsikan 'yung pinamili niya. Syempre pinulot ko.

"Hindi kasi nag iingat eh." bulong niya.

"Sorry!" Wala akong maisagot.

Ganun na lang para wala nang away. Pero mukha siyang mayaman at gwapo siya. Parang ex ko. Mas bata siguro sa'kin. Kaya inintindi ko na lang. Nagbago isip ko kaya mamamalengke na lang ako para makamura.

Pag sakay ko ng jeep ay nakasabay ko siya. Walang kibuan pero alam kong namukhaan niya ko. Magkatapat kami ng biglang pagkuha ko sa bulsa ko ng pitaka ko ay nawala.

Sa grocery?!

"Mamang driver nawala po 'yung pitaka ko. Pwede po ibaba niyo ko. Babalikan ko lang. Wala po akong pambayad sa inyo eh."

Tumigil ang jeep.

"Sa grocery ko naiwan 'yun. Sorry po." sabi ko ulit.

Pagbaba ko nakita ko nasalikod ko 'yung lalake.

One Shots CollectionWhere stories live. Discover now