My Step Brother

16.1K 39 1
                                    

Note: Part 2 ng previous chapter

____

It's me again Linda. Masaya sa buhay dahil halos wala na akong problema. Ang pinuproblema ko na lang ay bumuo ng sariling pamilya. Obviously I am successful kaya marami akong manliligaw. Advantage ba sa isang katulad ko ang mapaligiran ng mga lalaki? Maybe yes kasi makakapamili ako nang malaya. Gusto ko 'yung kaugali ng Tito Bernard ko. Strict pero mabait. Sure akong magiging masunurin ang magiging anak namin. Inaamin ko na may pagkukulang ako sa Dad ko na namatay pero kung ano man ang pagkukulang niya, 'yun ay ang nawala siya. Masasabi kong mabuting ama ang Dad ko. Pero hindi niya naituto sa'kin na maging handa kung mag-aasawa uli si Mommy kaya hindi ko naappreciate nung una si Tito Bernard na Step Father ko.

Well, paano ba ako makakahanap ng katulad ni Tito Bernard? Kikilalanin ko isa isa ang mga manliligaw ko? Baka maubos ang oras ko o kaya naman makakita nga ako pero sa una lang pala. Parang sugal din minsan ang magmahal kaya you may take the risk to make everthing will okay or pwede din naman na malasin ka gaya ng ibang babae. Gusto kong paghandaan ang bagay na ayaw ko gaya ng kay Tito Bernard. Ayaw ko na hindi ako handa pero sa huli, naging masaya naman.

Pero ayoko naman 'yung dumating ang ayaw ko, mabrokenheart tapos maging masaya sa ibang lalaki. Ayoko nang may sumalo lang sa'kin na isang mabait kahit pwedeng mangyari. Hihiling na din lang ako edi 'yung perfect na. 'Yung bigla kong makita ang magpapatibok ng puso ko then will go on to forever.

So, 'cause I was a book reader, may mga alam ako in general. Isa sa natutunan ko 'yung 'dont judge a person' kaya nakipagdate ako sa ayaw ko. 'Yung nerdy na huhusgahan mo talaga. Huhusgahan mong boring but I tryna take him once for a date. But gusto ko 'yung sa una pa lang masaya na ako. 'Yung tipong gusto ko uli siyang makita. Hindi nangyari ang ganun. Nakipagdate ako sa bad boy na mayaman. Ganun din. Nakipag date ako sa simpleng lalaki lang. Ganun din. Nakipag date ako sa mukhang pera. Ganun din. Nagmukha na akong malandi dahil kung sino sinong lalaki ang nakakasama ko everyweek.

Isa sa mga natutunan ko sa libro ay 'yung nakikita ng Diyos ang ginagawa natin o nababasa Niya ang isip natin maging kaya Niyang kilalanin ang bawat isa sa atin kaya hindi na ako naguilty. Wala na akong paki sa mga nakakakita. Pero alam kong fictions lang ang nababasa ko kaya hindi pwedeng ihalintulad sa totoong buhay. Pero bakit natuto akong uminom ng alak mag-isa? Kasi nalungkot ako. Kilala naman ako ni Mommy at ni Tito Bernard pero pinag-sasabihan parin nila ako dahil sobra na ang ginagawa ko. Alam nilang malungkot ako ngayon. Dahil sa naging masaya ako, nalimutan ko nang maging malungkot. Ngayon ko lang naalala uli dahil baka tumanda akong dalaga. Natakot ako. Parang napanghihinaan na ako ng loob.

Alam kong maraming lumampas na lalaki sa'kin na pwede akong pasayahin. Ano ang magagawa ko? Kaya ko bang basahin ang isip nila? Hindi ako Diyos, tao lang ako na hindi perpekto sa pagpili ng mapapang-asawa. OA na kung OA pero sa sobrang perfectionist ko, tatanda na yata akong dalaga.

One time nakapagdesisyon ako. 'Di baling hindi ako masaya sa lalaking idedate ko basta sure akong mabait, tatanggapin ko na. Magkaboyfriend lang ako. May katext, may taga hatid, may kasama sa lunch, at may umaalala pag may sakit ka with malisya. Eto na, may pasya na ako kaya bigla akong nabuhayan. Tama nga sila na hindi pwedeng ihalintulad ang isang fiction sa totoong buhay. Hindi na ako umasa sa nababasa ko kaya unti unti, nakarecover ako sa pagiging malungkot.

I want to have a happiness. Si Mommy, nakachamba lang kay Tito Bernard 'yan dahil hindi din siya perpekto. Tingin ko lang. Pero naniniwala akong hindi ako papabayaan ng Diyos gaya niya. Ayoko nang manirahan mag-isa kaya ngayon kasama ko sila Mommy at Tito Bernard na Daddy na ang tawag ko. Okay, sa makatuwid, kasama ko si Daddy at Mommy ngayon.

"Si Jared, hindi ko alam kung ano ang gusto sa buhay." si Jared ang anak ni Daddy sa una. Rinig kong sabi ni Daddy 'yun habang kausap si Mommy sa terrace. Ako malapit lang sa kanila, nagbabasa ng diaryo.

One Shots CollectionWhere stories live. Discover now