My Step Father

19.9K 48 7
                                    

Happy New Year! Enjoy Reading. 

____

I'm Linda! I was sixteen when my Dad died! Sobrang nalungkot ako at matapos siyang ilibing ay gabi gabi akong umiiyak. Lahat ng layaw, binigay niya. Lahat ng gusto ko, gusto din niya, maliban lang magboyfriend. Naiintindihan ko naman 'yun dahil pinoprotektahan lang niya ako. Ayokong sirain ang tiwala niya kaya sinusunod ko siya. Sixteen years old ako at hindi dumanas man lang boyfriend. 

"Linda, uuwi ka ng maaga ah." utos ni Mommy nang matuto akong gumala with friends. Hinahayaan lang niya ako.

Ngayong wala na si Daddy, free na akong gawin ang gusto ko dahil wala na akong takot. Si Mommy naman ay may tiwala sa'kin. In love ako ngayon. Masaya pala pag may minamahal. Niyaya niya akong, pumunta sa kanila kaya nalate ako ng uwi.

"Saan ka galing?!" tanong ni Mommy. 

"Wala, I'm sorry if I'm late." pumasok na ako sa room ko.

Dalaga na ako at hindi na bata. Tama naman ang boyfriend ko na hindi na dapat kami kinagagalitan na parang mga bata. Hindi naman makaporma si Mommy sa'kin. Pinapagalitan niya ako lagi pero dahil wala akong ginagawang masama, hindi ko siya pinapakinggan. Lumipas ang isang taon. May pinakilala sa'kin si Mommy na kasing edad ni Daddy. I think boyfriend niya. Pinagbigyan ko siya dahil alam ko naman na kailangan din niya minsan na lumigaya.

"Ano ka ba Linda, bakit ba lagi kang late umuwi?" Pinagalitan na naman ako ni Mommy. 

Hindi naman siya manalo sa'kin. Kaya hindi ako kumibo. Kasama pala niya ang boyfriend niya.

"Galangin mo naman ang Mommy mo. Sana, sundin mo muna siya." Sabi ng boyfriend niya ng makasalubong ko siya sa kusina.

I don't care. Sino ba siya para sabihan ako. Hindi siya si Daddy. Boyfriend lang siya ni Mommy. Ayaw ko sa kaniya. Paki-elamero! Hindi ko siya pinansin. Apat kaming magtotropa at lahat kami may boyfriend. Hindi pwedeng, maaga ako uuwi dahil may boyfriend ako. Sa tuwing kasama ni Mommy ang boyfriend niya, laging nakiki-elam. Nakakainis.

"Mahal ko ang Mommy mo kaya lahat ng importante sa kaniya ay importante narin sa'kin."

"Please, tito. 'Wag kang maki-alam." pataray kong sagot.

Nakakainis siya. Pinagbigyan ko na nga sila eh. Pag ako nainis talaga, pagbabawalan ko na sila. Hanggang sa tumira na sa'min si tito Bernard. Ang boyfriend ng Mommy ko. Nakakainis kasi, lalo akong mapapagalitan.

"Mommy, bakit dito mo pinatira 'yang boyfriend mo?!"

"Hindi pwedeng hindi, Linda. Asawa ko na siya!"

"Sa kaniya ka tumira. Iwan niyo ako dito. Nakikialam kasi siya sa buhay ko eh."

"Dapat lang dahil mali na ang ginagawa mo. Hindi pwedeng tayo ang tumira sa kaniya dahil ayokong malayo sa'yo."

Naiinis ako. Hindi na ako makagala. Laging sermon at sinundo pa nila ako one time. Napahiya ako sa boyfriend ko. Hindi ko na kaya 'to. Pero naisip ko na wala din naman akong pupuntahan. Third year college na ako pero parang bata parin kung ituring ako. Naiinggit ako sa mga classmates ko.

"Baka naman type ka?" sabi ni Everlyn dahil nagkwento ako tungkol sa Step Father ko.

"Yuck! Subukan niya."

"Gwapo ba?"

"Hindi naman pipili ng pangit si Mommy."

"Paano kung rape-in ka? Alam mo ang balita ngayon, 'yung mga step fathers, nagkakagusto sa dalagang anak-anakan nila. Mag-ingat ka."

Nag-iingat naman ako eh. Isang araw, aalis ako dahil may usapan ang tropa.

"Hindi ka aalis ng ganitong oras. Stay in this house!" Sabi ni Step Father.

One Shots CollectionWhere stories live. Discover now